Kapag nagmahal ka walang right time at wrong time. Lahat magiging perfect time. Kahit umupo lang kayo ng magkayakap at hindi nag-uusap pakiramdam mo perfect moment pa rin. Kahit nanunuod lang kayo ng nakakatawang palabas at sabay na tumatawa. Maglakad sa loob at labas ng mall na magkahawak kamay. Kumain sa restaurant o turo-turo habang nagsusubuan. Matulog nang magkayakap. Magkatabing nakaupo, magkahawak ang mga kamay habang nasa loob ng sasakyan. Magpawis man ang mga kamay abutin man ng siyam na oras sa biyahe magaan pa rin sa pakiramdam. Mga simpleng bagay pero hindi simple ang saya. Mga bagay na gusto mong ulit ulitin dahil hindi ka magsasawa kahit araw arawin mo gawin. Nasa isip mo na mahal na mahal ka niya at never niya maiisip na saktan ka. Nangarap ka na na kayo na hanggang sa pagt

