Tahimik akong nakatingin sa bawat dinaraanan namin. Napabaling lang ako sa kanya nang makita ang daan papunta sa bahay nila. Kung saan nakatira ang pamilya niya. "Linus, huwag na tayong tumuloy," hindi nawala ang kaba ko, hindi maganda ang kutob ko sa kalalabasan nito. Malamlam ang mga mata niya nang nilingon ako. Marahan niyang pinisil ang kamay kong hawak pa rin niya hanggang ngayon. "It's fine. I'll take care of them. Wala kang gagawin kundi tumayo at manatili sa tabi ko-" "Ayaw ni Mommy sa relasyon natin. Ang Papa mo ibang babae ang gusto para sayo. Hindi sila papayag-" "Kahit pumayag sila o hindi, wala na akong pakialam. Gusto ko lang ipaalam sa kanila na hindi tayo maghihiwalay." "Pamilya mo sila, Linus. Magagalit sila sayo-" "Kung ang kapalit ng galit nila ay ikaw. Hahayaan k

