THIRTY NINE Sa condo ni Liam ako nagtungo dahil wala naman aking mapupuntahan. Nag-aalala ako kung ano nang nangyari pero wala naman akong nakitang dugo bago umalis kaya umaasa akong hindi malala ang naging pagbagsak niya. Bukod sa nag-aalala ako'y natakot rin ako sa maaaring kahinatnan namin ni Linus. Paano kung sisihin niya ako? Totoong kasalanan ko kung bakit natumba si Mommy pero hindi ko sinasadya iyon. Kahit hindi niya ako gusto bilang anak, hindi ko siya gustong masaktan ng pisikal. Ngayon luminaw sa akin kung bakit niya ako iniwan. Ginahasa siya ni daddy kaya't hindi niya ako kayang mahalin ng buo bilang anak. Mas gugustuhin niya pang ituring na anak ang iba kaysa sa akin na produkto ng panggagahasa sa kaniya. Gusto kong dumapa sa kama. Umiyak at magkulong. Pero ayoko ring mana

