TULOY-TULOY ang pag-agos ng luha ko. Ayaw huminto kahit anong pigil ko. Malayo-layo na ang tinakbo ng sasakyan. Nag-aagaw dilim na nga sa labas ngunit hindi maampat ang luha ko. “Tigilan mo na ang pag-iyak, Jenezel. Pinili mong iligtas ang Phoenix na iyon tapos ngayon iiyak-iyak ka. Dapat yata tinuluyan ko na lang siya para wala ka nang iiyakan pa.” Bigla akong nag-angat ng ulo at matalim na tinitigan si Daddy Jaime. “Kaya nga ako sumama sa iyo para makaligtas si Phoenix. Tapos ngayon sasabihin mo sa akin na gusto mo pa rin siyang patayin. Ang sama mo!” Hahampasin ko na sana siya nang umangat din ang kanang kamay niya para pigilan ako. “Stop this, Jenezel!” galit niyang saad saka mahigpit na hinawakan ang kamay ko. “I played it fair this time. Kaya hindi ka dapat nagrereklamo. Puwede

