Chapter 56 - A New Family

1587 Words

NAGISING ako sa palahaw ng isang sanggol. Napilitan akong magbukas ng mata. Medyo malabo ang nasa harapan ako. Pumikit uli ako. Ilang segundo muna ang pinalipas ko bago ako muling nagmulat. Mas malinaw na ang paningin ko. Iginala ko ang aking mga mata sa paligid. Wala naman iyong narinig kong umiiyak na sanggol. Mag-isa ko lang sa buong kuwarto. Anong klaseng kuwarto ito? Puti ang buong paligid mula sa kisame, pintura ng dingding, kurtina, at pintuan. Napakunot ang noo ko nang mapatingin ako sa aking higaan. Nakasuot din ako ng puting damit. Pati kumot ko ay puti. Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin sa kaliwang kamay ko. May puting nakadikit sa kamay ko. Sa ilalim nito ay may nakaipit na maliit na tubo. Sinundan ko ang pinanggalingan ng tubo. Biglang tumahip ang dibdib ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD