HINDI na naulit ang ginawang iyon ni Phoenix sa akin. Pero hindi na rin niya ako kinibo mula noon kahit pa sumasabay siya sa amin na kumain. Kahit nasa bahay lang siya tuwing weekends, hindi pa rin niya ako kinakausap. Nagmistula na akong hangin sa harapan niya. Parang hindi niya ako nakikita kaya hindi rin niya ako kinikibo. Gayunman, sinunod ko pa rin ang gusto niyang mangyari. Hindi na rin ako lumalabas ng bahay. Iyong online business ko ng cakes at cupcakes ay ipinasa ko na kay Lian. Itinuro ko na sa kanya ang lahat ng alam ko tungkol sa pagbi-bake kaya siya na ang tumanggap sa mga orders na dati ay nasa akin. Nanghinayang man ako sa kikitain, hindi ko na lang inisip iyon. Baka kasi kapag ipinagpatuloy ko pa ang negosyo kong iyon ay lalong magalit sa akin si Phoenix. Mamaya ay maisi

