“AALIS ka na ba?” tanong ko kay Phoenix nang makita ko siyang tumayo na mula sa hapag-kainan. Hindi niya ako sinagot, sa halip dumiretso siya sa tabi ni Pretzel at hinalikan sa pisngi ang bata. “Kung aalis ka na, dalhin mo na itong inihanda kong lunch mo.” Inabot ko sa kanya ang paper bag na may lamang lunchbox. Seryoso ang mukha niya nang tumingin sa akin. “Hindi na kailangan. May lunch meeting naman ako mamaya.” Iyon lang ang sinabi niya bago siya umalis sa harapan ko. Gusto ko nang magpapadyak sa inis dahil isang linggo na kami rito sa bahay ngunit wala pa kaming matinong usapan. Alam kong sinasadya niya na hindi ako kausapin. Malapit na akong mainis. Para ano pa na nandito kami sa bahay niya kung hindi lang din naman pala kami mag-uusap. Sabagay, hindi na dapat ako magtaka. Galit

