Chapter 1
Iba, Zambales
Nagising si Roy 4am pa lang, maaga siya aalis ngayon, kailangan bago mag-alas otso ay makarating siya sa Maynila, sa sofa lang siya natutulog, si Lia naman ang nasa sa kwarto, habang nag-aayos siya ng gamit ay nagising si Lia at lumabas sa kwarto na pupungas pungas pa
"Tol aga mo ahh" ani nito
"Naku tol kailangan ko maagang makaalis eh, baka ako matraffic, kailangan bago mag-8 makarating ako sa bahay ng boss ko, mapapagalitan nanaman ako nun"
"Ganun ba? Nag-almusal ka na ba?"
"Hindi na tol, bibili na lang ako ng tinapay" tumayo na ito "Tol, alis na ako, mag iingat ka dito ah"
"Tol yung sinabi ko sayo, isama mo na lang ako sa Maynila"
Lumapit ito kay Lia "Tol, dun lang ako sa boss ko tumutuloy eh, hayaan mo tol, hahanap ako ng pwede nating upahan sa Maynila, para hindi na rin ako bumibiyahe every weekend, medyo mahirap kasi ang traffic, tapos lilipat tayo at dun ka na rin maghanap ng trabaho" tumango na lang si Lia "Sige na tol aalis na ako, tol maliligo ka ahh, baka mamaya porket andito ka lang sa bahay hindi ka naliligo" biro pa nito
"Tarantado! Palagay mo sa akin? Ikaw? Sige na lumayas ka na, ingat!" at lumabas na nga ng pintuan si Roy, naupo si Lia sa sofa, halos tatlong buwan na mula nang magsara ang bahay ampunan, napunta siya dun nung sampung taong gulang pa lamang siya, dinala siya nung tiyahin niya mula nang maulila sa magulang, hindi rin kasi siya kayang buhayin nito dahil marami rin ang anak, mula nung dinala siya sa ampunan ay hindi na rin niya nakita ang tiyahin, minsan nang may nag ampon sa kanya pero minaltrato lang siya ng mga ito, ginawa siyang katulong at hindi pinapakain kaya tumakas siya mula sa pamilyang yun, dun siya bumalik sa ampunan at nakiusap na wag na lamang siya isama sa mga batang ipapaampon, tutulong na lang siya sa orphanage, si Roy naman ay galing rin sa ampunan, halos sabay silang lumaki nito at parang magkapatid na ang turingan nila, binalikan naman si Roy ng tiyuhin niya sa ampunan pero maaga rin itong namatay, pero kahit namatay na ang tiyuhin ay hindi na ito bumalik sa ampunan, at hindi ito nakalimot sa mga tao sa duon, kaya nung nagsara ang ampunan ay si Roy na ang umampon sa kanya, pinatira siya nito sa bahay nito, lagi naman din kasing wala si Roy dahil sa Maynila ito nagtatrabaho, personal driver ito ng nagngangalang Gino Jose Montefalco, sobrang yaman daw talaga nun pero ayaw ng bodyguard, kaya silang dalawa lang ang laging magkasama, iniiwanan siya ni Roy ng pera tuwing uuwi pag weekend, ayaw na sana niyang tanggapin pero mapilit ito, kaunti na rin kasi ang pera niya, gusto niya sanang maghanap ng trabaho, nakahanap naman talaga siya ng trabaho bilang tindera sa palengke pero napapaaway lang siya kasi madalas siyang kursunadahin ng mga kargador, minsan nga sinuntok niya yung isang kargador dun kasi hahalikan siya, ayun pinahuli siya, pero hindi naman siya nakulong kasi pinagtanggol niya lang ang sarili, marami rin ang nagsasabing sayang siya kasi tomboy siya, hindi naman talaga siya tomboy, ganun lang siya kumilos, parang lalaki, pero sa totoo lang gusto niya rin ng mga gamit pangbabae, pero mas convenient kasi sa kanya ang tshirt na maluwag, shorts at pants lang, hindi niya naman kasi afford ang mga gamit pambabae lalo ngayon wala siyang trabaho, iwas tsismis na rin sa lugar nila, mas maigi nang isipin ng mga ito na tomboy siya, alam naman nila ni Roy na pinag uusapan sila ng mga kapitbahay mula nang iuwi siya ni Roy sa bahay nito.
Commonwealth, Quezon City
Maagang bumangon si Gino nang araw na yun, kailangan niya pang ireview ang ippresent niya para sa meeting nila mamaya kasama ang iba pang executive ng kumpanya, isang anak lang siya ni Ramon Montefalco at ang nasira nitong ina na si Camila, namatay si Camila nang ipanganak si Gino, at mula nuon ay hindi na rin nag asawa si Ramon, nagfocus na lamang ito sa negosyo at sa anak na si Gino, kamukha ni Gino ang ina nito, mula pagkabata ni Gino ay sila lamang mag-ama ang magkasama kaya talagang malapit sila sa isat-isa, nasa 4th year highschool si Gino nang magkagusto kay Roxanne, anak ni Lucas na kasosyo ng ama sa negosyo, laking amerika kasi ito at nung maghigh school lang ito bumalik sa Pilipinas, niligawan niya ito at sinagot naman siya, mahal na mahal niya si Roxanne, first love eh, pero isang araw ay nakita niya itong kausap ang isang classmate niyang lalaki at tila masaya sa may canteen, lalapit na sana siya pero umalis ang mga ito at nagtungo sa may likod ng gym, dito niya nakita ang panloloko ni Roxanne, nakita niya itong nakikipaghalikan sa kaklase, hindi siya nakakibo, nakatingin lang at hindi niya namalayan na tumulo na ang luha niya sa sobrang sakit na nararamdaman, ilang saglit lang ay napansin ng dalawa na andun siya, pero imbes na mahiya ay pinagtawanan siya ng mga ito, at sinabi ni Roxanne na boring siya at walang kwenta.
Alas siyete pa lang nakarating na sa bahay ng amo si Roy, dumiretso siya sa kwarto para ilagay ang mga gamit at saka pumasok sa loob ng kusina para magkape, binigyan siya ni Aling Remy, ang mayordoma sa bahay
"O Roy uminom ka muna ng kape, gusto mo bang kumain muna, wala pa naman si Sir Gino"
"Naku wag na po, busog pa naman ako, nakakain naman po ako habang bumabiyahe siyangapala Aling Remy, matanong ko lang po, meron po ba kayong alam na upahang bahay?"
"Hmmm" tila nag isip "Wala iho, bakit? Eh libre tira ka naman dito"
"Kasi po yung kababata ko sa Zambales gustong maghanap ng trabaho dito sa Maynila"
"Ganun? Wala ba siyang kamag anak malapit dito?"
"Ulila po yun, kasama ko yun na lumaki sa bahay ampunan sa Zambales"
"Yun ba yung kinukwento mong kababata mo na nakatira sa bahay mo ngayon kaya rin weekly kang umuuwi sa Zambales?"
"Opo siya nga po"
"Sigurado ka bang wala kayong relasyon nun?"
"Naku Aling Remy wala po talaga, parang kapatid ko na lang talaga yun"
"Eh dito sana para magkasama pa rin kayo, kaya lang kumpleto na tayo" ani nito, tumahimik na si Roy, maya maya ay lumabas na siya para punasan ang sasakyan, tapos na siyang magpunas ng sasakyan nang lumabas si Gino, naka coat and tie eto na black
"Roy lets go" ani nito, habang bumabiyahe sila ay nakatutok ito sa tablet niya at tila may binabasa, nakarating sila sa aatenan nitong meeting, iniwanan rin siya nito ng pangkain, lagi siyang iniiwanan nito ng 500 para pangkain niya maghapon, hindi naman niya nauubos yun kaya malaki na rin ang naiipon niya, bukod pa kasi yun sa sweldo niyang natatanggap, kung hindi nga lang dahil kay Lia ay hindi na siya uuwi weekly, kaya lang kawawa naman si Lia at nag-alala rin siya para dito, napagkakatuwaan kasi ng mga tambay sa kanila, kasi nga kahit boyish si Lia hindi mo maipagkakaila ang kagandahan, maputi rin ang kutis nito at matangos ang ilong, medyo mataas rin ang height nito.