Chapter 2

667 Words
Lumipas nanaman ang buong linggo, alas diyes na nakarating si Roy sa Zambales dahil sobrang traffic, wala na rin siyang nasakyang tricycle kaya naglakad na lang siya, nang malapit na siya sa kanila ay nakita niya si Lia na tumatakbo palabas ng bahay, at may kasunod itong lalaki, hinahabol nito si Lia, nakita siya ni Lia kaya sa gawi niya ito pumunta, nakita niyang punit ang tshirt nito, sinugod niya ang humahabol dito at sinuntok nang sinuntok, si Lia naman ay iyak ng iyak, naglabasan ang kapitbahay nila at inawat si Roy, nilapitan naman si Lia ni Lola Cora, nang mapansin nitong punit ang tshirt ni Lia ay binalot niya ito ng balabal niya, dinala nila sa barangay ang nagtangka kay Lia, ito pala yung kargador na sinuntok ni Lia sa palengke, sinamahan sila ni Lola Cora mula barangay hanggang makauwi, malapit ang matanda sa kanila, dahil wala pang dalawang buwan ang nakakaraan ay sila ang nag alaga dito nang magkasakit, si Roy ang nagbigay ng pambili ng gamot at si Lia ang nagbantay, may mga kamag anak naman si Lola Cora pero hindi rin ito iniintindi, pag dating sa bahay ay pinaupo ni Lola Cora si Lia sa sofa at tinabihan ito, nakatakip pa rin ang balabal ng matanda sa napunit niyang tshirt, naluluha luha pa rin siya, si Roy naman ay kumuha ng upuan at umupo sa may harap ni Lia "Tol, Lia, hindi na kita pwedeng iiwan dito, isasama na lang kita sa Maynila, bahala na" "Gusto mo iho, dun muna siya sa akin kapag wala ka" suhestyon ni Lola Cora "Wag na ho La, baka madamay pa po kayo" ani ni Roy "Tol, salamat ah, akala ko talaga katapusan ko na" naiiyak na sabi ni Lia "Alam mo tol, hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari sayong masama" Yumakap si Lia sa kanya, kinabukasan rin ay umalis na sila ng Zambales, tumuloy sila sa bahay ng amo ni Roy, pumunta muna siya sa kwarto at idinaan sa likod si Lia, sa may laundry area sila dumaan at iniwan si Lia duon, maya maya ay may sumilip sa may laundry area hinahanap si Aling Remy, napatanga siya sa nakita, isang dalagang bagamat nakasuot ng maluwag na tshirt ay mababakas mo pa rin ang kagandahan, parang bigla siyang nakaramdam ng kakaiba sa puso niya, lumapit siya sa pinto papuntang laundry area "Who are you?" ani niya, nagulat ang babaeng kausap, nakatingin lang sa kanya, hindi nakakibo pero alam mong kinakabahan, lumapit naman siya sa babae pero nakatingin pa rin ito sa kanya, mas maganda ito sa malapitan "Boss Gino" biglang dumating si Roy, kinakabahan rin, sabay napatingin sa kanya si Lia at Gino "Pasensiya na po, si Lia po pala, kababata ko po, galing po kaming Zambales" "Wait, dont tell me nagtanan kayo" at parang yun naman ang bagay na ayaw niyang marinig, nagkatinginan naman si Roy at Lia "Boss hindi po, kababata ko po siya kaya lang may nangyari po sa kanya kagabi kaya nagdesisyon po ako na isama siya pabalik ko dito, pero Boss, tutal dayoff ko pa rin naman, aalis po muna sana ako para makahanap ng matutuluyan niya" "Wala siyang matutuluyan?" "Wala po Boss, biglaan po kasi ang punta namin dito" "Papasukin mo muna siya sa loob para makakain then follow me at my office" "Opo Boss" at tumalikod na si Gino "Tol, yun ba boss mo?" ani ni Lia "Shhh, wag kang maingay, oo siya si Boss Gino, sige na samahan kita sa loob, papakilala kita kay Aling Remy" at pumasok na nga sila, nakita niya agad si Aling Remy "O Roy anong ginagawa mo dito? Sino yang kasama mo?" "Aling Remy, si Lia po, yung kababata ko na sinasabi ko po sa inyo" "Susmaryosep, ang gandang bata naman niyan Roy, eh anong ginagawa niyo rito" "Naku Aling Remy, puntahan ko muna si boss, nakita na niya kasi si Lia, ikaw na muna ang bahala kay sa kanya" "O siya sige puntahan mo na si Sir Gino"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD