"Maupo ka iha, ipaghahain lang kita" ani ni Aling Remy
"Naku wag na po" ani ni Lia pagkaupo
"Hindi, kumain ka"
"Baka magalit po boss niyo"
"Galit ba siya nang makita ka?"
"Parang hindi naman po, hindi kasi ako nakasagot nung tinanong niya ko kung sino ako"
Binigyan siya ni Aling Remy ng kanin at calderetang baka, parang bigla rin siyang nagutom kaya kumain na rin siya, sunod-sunod ang naging pagsubo niya, nakatingin naman si Aling Remy sa kanya
"Sorry po, gutom na po pala ako" ani niya
"Ay hindi, sige lang kumain ka lang, nagagandahan lang kasi talaga ako sayo"
"Naku salamat po"
Sa opisina ni Gino ay kausap naman niya si Roy, parehas silang nakatayo
"Roy nabanggit mo kanina na wala pang tutuluyan ang kaibigan mo diba?"
"Opo"
"Wala rin siyang trabaho tama ba?"
"Opo"
Hindi na nagsalita si Gino, tila nag-iisip, maya maya lang
"I have an offer"
"Ano po yun?"
"I need someone na magpapanggap bilang girlfriend ko and I think fit siya dun"
"Fit na maging girlfriend niyo?"
"What I mean is fit na magpanggap"
"Eh boss, sa totoo lang pag siya ang kinuha niyo, para kayong magpapa over haul ng sasakyan"
"What do you mean?"
"Boss, tomboy yun", tila nagulat si Gino sa sinabi ni Roy, parang wala kasi sa itsura nito na tomboy, oo malaki ang suot na tshirt pero sa tingin naman niya ay hindi ito tomboy
"Much better, ibig sabihin hindi siya magkakainteres sa akin habang nagpapanggap siya diba?"
"Eh kayo po? Hindi po kaya kayo ang magkainteres sa kanya", natawa ng hapyaw si Gino at nailing
"Malabo yun Roy, dahil para sa akin pareparehas lang ang mga babae"
"Eh boss, pwede po mag usap muna kami?"
"Sige, okay lang din naman na dito muna siya magstay hanggat wala pang nakukuhang matitirhan niya"
"Eh boss paano kung hindi siya pumayag?"
"Eh di hindi, wala naman akong magagawa"
"Sige po balikan ko muna siya, labas na po ako"
"Okay"
Paglabas niya ay napaisip siya, bakit kailangan ng boss niya ng babaeng magpapanggap bilang girlfriend nito, naisip niya rin pag tinanggap ni Lia yun magkakaroon na agad ito ng trabaho, hindi pa ito papaalisin sa bahay, hindi na rin siya mamomroblema, hindi naman siguro gagaguhin ng boss niya si Lia, alam niya galit ito sa babae. Pagdating sa kusina ay nakita niyang kumakain ito
"Hoy tol, tirhan mo ako" ani niya pagkaupo, binigyan rin siya ni Aling Remy ng plato
"Roy, maiwan ko muna kayo at may gagawin lang ako sa loob"
"Tol, anong balita sa boss mo?" ani ni Lia
"Kain lang ako tol, gutom na gutom na rin ako" at kumain nga ito, walang kibo, subo lang ng subo, maya maya ay tapos na ito at naghihimas ng tiyan
"Tol ano na? Napagalitan ka ba ng boss mo?" tila iritang tanong ni Lia
"Ako pa ba?"
"Yabang mo rin eh noh? Ano na tara na hanap na tayo ng matutuluyan"
"Tol, saglit maupo ka muna, kinausap ako ng boss ko, may gusto siyang ioffer sayo na trabaho, kaya lang hindi ko sigurado kung kaya mo eh"
"Tol, kakayanin ko", natawa naman si Roy, nagtaka naman si Lia sa reaksyon ni Roy kaya sinuntok niya to sa braso " Aray! Lintek kaya ka napapaaway eh"
"Paano kasi pinagtatawanan mo ako"
"O sige tol, payag ka ba na magpanggap bilang girlfriend niya?"
"Ha?!"
"Oo magpapanggap ka bilang girlfriend niya"
"Ako? Malay ko sa pagiging girlfriend?"
"Sus tol, madali lang yan, maging maalaga, malambing at mapagmahal ka lang sa jowa mo, yun na yun"
"Kahit nagpapanggap?"
"Ano ba yan tol? Tanga lang?"
"Bwisit ka!"
"Sige pag isipan mo muna saka ko kakausapin si Boss Gino, at saka pwede ka raw na manatili dito hanggat wala ka pang nakikita na matitirhan" ani nito, nag isip si Lia, kapag tinanggap niya yun ay hindi na siya mamomroblema sa paghahanap ng trabaho, dahil ito na mismo ang lumalapit sa kanya, pero nag-aalangan din naman siya kasi wala siyang idea sa pagiging girlfriend tapos ang yaman pa ni Boss Gino, paano nga ba maging girlfriend ng isang mayaman?