Hindi makatulog si Eve dahil sa kakaisip kung ano na ang nangyari sa usapan nina David at Charlotte. Iniisip niya kung naging maayos ba ito o mas naging kumplikado lang. Ang pagkilala pa naman niya kay Charlotte ay makitid ang utak at sarado ang isip. Hindi ito makaintindi ng mga bagay-bagay at mas pinipili pa na manira ng kapwa. Sa loob-loob ni Eve ay tama naman si Charlotte. May point ito dahil hindi naman siya inaakusahan o sinisiraan ng mga kasinungalingan. Lahat ng sinasabi ng dalaga sa kaniya ay puro at totoo. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na mapalad pa rin siya dahil may lalaki pa rin na nagkakagusto sa kaniya. Pero, bakit siya? Palagi niyang tanong sa kaniyang sarili. Naaalala niya rin ang mukha ni David kanina na binigyan siya ng isang tingin na maaayos din ang lahat bago s

