"Saan mo ba ako dadalhin?" Galit na sigaw ni Charlotte kay Enver na patuloy pa rin sa paghatak sa kaniya papunta sa kung saan. Hindi pa rin siya in-imik-an ni Enver kahit paulit-ulit na siyang magtanong at magreklamo. Para na siyang kumakausap ng bingi at pipi. Nang masiguro ni Enver na walang masiyadong tao sa lugar nila ay binitiwan niya na si Charlotte at saka ito hinarap. Seryoso lang ang kaniyang mukha na kausapin ito. "Bakit ba ganiyan ka mag-isip?" tanong ni Enver sa dalaga. Hindi na napigilan pa ni Charlotte ang kaniyang galit at binuhos niya iyon lahat kay Enver sa pamamagitan nang isang malakas na sampal sa kaliwang pisngi ng binata. "You dare to ask? Sino ka rin ba para harangan ang daan ko? Sirain ang mga plano ko?" Pagsigaw ni Charlotte kay Enver. Napapikit si Enver dahil

