Masaya at ganado si Eve na tinapos ang lahat ng long quiz sa mga subjects nila. Kampante siya sa kaniyang mga naging sagot dahil alam niyang nag-review siya nang husto. Dumiretso si Eve sa cafeteria na pinapasukan niya bilang working student. Dito na siya nagpalit ng damit para hindi na sayang pa sa pamasahe kung uuwi pa siya sa tinutuluyan niyang boarding house. Lumipas ang ilang oras at isang ordinaryong araw lang na naman ang lumipas sa kaniya. Matapos nilang magligpit ni Lyka sa cafeteria ay naghiwalay na silang dalawa ng landas. Sinusundo si Lyka ni Paul habang siya naman ay lumalakad na lang pauwi. Inaasahan niya na magpapakita sa kaniya si David ngunit wala manlang anino nito ang nagpakita sa kaniya. Iniisip niya ay baka busy ito sa mga paperworks sa school at paghahanda ng mga

