Halos isang oras na silang nasa restau-bar na tatlo. Nakakailang bote na rin ng alak si Eve habang sina Lyka at Paul ay inaalalayan siya. Ilang beses man nila itong awatin ngunit ayaw pa rin nitong tumigil. Mabuti na lamang ang napuntahan nila ay maayos at walang gulo. Masaya ang paligid dahil may mga kumakanta sa mini stage. Ang lamesa lang yata nila ang malungkot. Malayong-malayo ito sa bar na pinapasukan nila Eve dati. "Ate Dorothy. Magpa-awat ka na. Uuwi pa tayo." Hindi na napigilan pa ni Lyka na hindi agawin ang pang-apat na yatang bote ng beer na iniinom ni Eve. "Gusto ko pang uminom. Uminom din kayo. Damayan niyo ako," lasing na sabi ni Eve sa dalawa. "Ate, umuwi na tayo. Ihahatid ka na namin," pag-aya ni Paul sa dalaga. Nagsisisi na tuloy silang dalawa ni Lyka dahil pumayag si

