Matapos maghanda ng mga pagkain sila Eve kasama ang pamilya ni David ay nagpahinga na sila sa sala habang naka-upo sa isang mahabang sofa at nakikinig ng mga christmas songs habang nag-uusap sila at nagtatawanan. "Salamat, Eve, ha? Hindi ka na sana tumulong pa at nagpahinga na lang. Ito kasing si David hindi na lang dinala itong si Eve sa kuwarto, eh," sabi ng Mama ni David habang sinisermunan ito. "Kahit ano'ng gawin ko ay ayaw naman niyang sumunod," sagot naman ni David sa kaniyang Ina. "Hindi. Okay lang po. Makakapagpahinga naman po ako mamaya, eh," nahihiyang pagsingit ni Eve sa pagtatalo ng mag-ina. "Hays. Ang bait-bait mo naman. Ngayon lang din ako nakakita ng magandang babae." Patuloy pa rin sa paghanga ang Mama ni David kay Eve. "Kayo rin naman po maganda at mabait kaya salama

