Chapter 55

1553 Words

Matapos silang kumain ay nagsalita ang Papa nila. "May regalo nga pala akong pasalubong sa inyo. Nasa isa kong maleta," sabi nito habang hinahanap ang kaniyang maleta sa sala gamit nag mga mata. "Yehey! May gift kami!" Punong-puno ng excitement ang boses ni Daniela nang sabihin niya iyon. "Tara, pumunta tayo sa sala at doon natin tingnan," sabi ng Papa nila na natatawa sa bunsong anak. Nagsitayuan na sila para sumunod sa Papa nila na nauna nang pumunta sa sala kasama ang dalawang bata. Si Eve ay tumayo rin para mag-asikaso ng mga pinagkainan nila kaya sinita siya nina David at ang kanilang Mama. "Mamaya ka na magligpit, hija. Hayaan mo na ako diyan!" sabi ng Mama nila na inagaw ang mga plato sa mga kamay ni Eve. "Hindi. Okay lang po sa akin," nakangiting sagot ni Eve at saka muling nag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD