Chapter 56

1255 Words

Maagang nagising si Eve at ang pamilya ni David para mag-asikaso sa pagsisimba nila. Tutal niregaluhan siya ng dress ay iyon ang kaniyang sinuot. Nakaharap siya ngayon sa salamin na nasa kuwarto ni David nang pumasok ang binata. "Naka-ready ka na ba?" Nakangiti na tanong nito habang nakasilip sa likod ng pinto at hinahangaan ang ganda ng dalaga. "Ayos lang ba?" Nahihiyang tanong ni Eve kay David. Lumapit ito sa kaniya at pinagmasdan siyang maiigi mula ulo hanggang paa. "Bagay na bagay sa 'yo. Sobrang ganda mo, Eve," tugon ni David at saka binigyan ng isang halik sa noo si Eve bago ito hawakan sa kamay at muling magsalita. "Halika na. Tayo na lang ang hinihintay sa baba." Tumango si Eve at nakasunod siya sa likod ni David habang bumababa sila ng hagdan patungo sa sala. Nang makita siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD