CHAPTER NINETY-SIX

1305 Words

Xavier's pov WALA akong nagawa ng sabihin ni Papa Calixto na bumaba kami ng sasakyan ni Gean. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil akala ko ay walang ibang tao kundi ang aking ina lamang sa bahay. Alumpihit tuloy akong ituloy ang aking sasabihin. "Hindi ko alam na nandito pala kayong dalawa. Bumaba na kayo," wika pa ni Papa Calixto alisto sa amin ni Gean. Tiningnan ko si Gean. Gusto kong sabihin sa kanya na huwag na kaming tumuloy pa sa nauna naming plano at ipagpaliban nalang muna pero sumagot kaagad ito. "Sige po, bababa na kami," sagot ni Gean sa ama. "Bakit po pala nandito kayo? Akala ko mamayang hapon pa kayo?" Hindi ko na lang pinansin ang pag-uusap ng dalawa. Inayos ko na lamang ang aking sarili at bumaba na rin ng sasakyan. Hiling ko lang na sana ay hindi mapasin ang a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD