Calixto's pov WALANG PATID ang pagtulo ng aking luha dahil sa aking nalaman. Ang anak ko na matagal ko ng hinahanap ay nasa harapan ko lang pala pero bakit ganun? Kapalit ng saya ay kalungkutan naman dahil sa nalaman kong sakit ni Monica. Hindi ko alam kung paano ko haharapin at tatanggapin na may sakit ito. Hindi ko kaya. Buong buhay ko ay wala akong ginusto kundi ang bumawi kay Monica. Ipinagpalit ko ito sa kung anuman ang meron ako ngayon. Kung may dapat man makaranas ng ganitong sakit ay ako yun. Hindi si Monica na nagsakripisyo at naghirap. Napakabuti nitong tao para magkaroon ng isang malubhang sakit. Hindi ko kayang matanggap ang sinabi nito. Niyakap ko ang aking mga anak kasama si Gean. Nag-iiyakan kaming lahat. Walang gustong pakawalan ang isat-isa. Sa Monica ang nasa gitna nami

