Gean's pov PALABAS na ako ng bahay nang makita si Xavier na nag-aabang sa akin. Mabilisi itong bumaba ng sasakyan nang makita ako pero mabilis ko rin itong iniwasan. Sa tatlong araw na hindi ito nagparamdam ay red flag na iyon sa kanya. "Wait!" sigaw sa akin ni Xavier pero hindi ko ito nilingon. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad patungo sa aking sasakyan pero hinabol ako ni Xavier at hinawakan sa aking braso. "Alam kong galit ka sa akin but let me explain," wika pa sa akin ni Xavier kung kaya tiningnan ko ito sa mga mata ng puno ng hinanakit. "I'm really sorry kung hindi ko man nasasagot ang mga tawag mo. Naging abala kasi ako nitong mga nakaraang araw." "At kahit ang mag-text ay hindi mo magawa. Ganyan ka ba talaga? Baka naman may kailangan pa akong malaman?" hindi ko mapigilang tano

