KABANATA 35

1760 Words

KABANATA 35 “Ma’am, okay lang po ba kayo?” tanong ng driver ng taxi na sinasakyan ko. Iyak kasi ako nang iyak. Ang sakit-sakit. Ang hirap. Bakit kailangan kong mamili sa mga anak ko? Ako ang may kasalanan pero sila ang magdurusa. Bakit hindi na lang ako? Bakit kailangan madamay pa sila? Kung sana’y isa lang ‘tong panaginip; napakadaling gumising. Pero hindi, ito ang realidad ko na ako rin ang pumili. Bakit ba kasi naniwala ako sa diary? Mas gusto ko pa ang buhay namin noon. Mahirap pero buo kami, hindi tulad ngayon. “Kuya, malapit na po ba tayo sa ospital? Pakibilis naman po.” “Ma’am, safety first po tayo. Kanina lang po may nangyaring aksidente d’yan sa may Makabuhay. Tsk. Parang nakakaloko nga ang tadhana eh. Akalain mo Ma’am, sa Makabuhay Street nangyari ‘yung nakamamatay na aksidente

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD