KABANATA 34 Natulala ako. Hindi agad ako nakakilos at nakapagsalita. Totoo ba ang nakikita ko? Gising na ang anak ko? “Mama...” nang marinig kong nagsalita siya ay saka lang ako nakakilos. Mabilis akong lumapit sa kama niya at pinindot ang emergency button na nasa pader na naka-connect sa nurse station para sa mga ganitong pagkakataon ay malalaman nila agad na may emergency at mapupuntahan ang pasyente. “Julliane, gising ka na! Anak ko!” Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ko. Naiyak ako sa sobrang tuwa. Tumulo pa ang luha ko sa maliit niyang kamay. Buti na lang hindi ko naituloy ang balak kong gawin kanina. Nagbago na ang isip ko, hindi ko na siya ibabalik! Bahala na! Basta hindi ko siya ibabalik tulad ng gusto ng diary! Mabilis namang dumating ang nurse at kasama niya rin ang do

