KABANATA 30 Paano nangyari ‘yon?! Sigurado ako na tubig ‘yung pinakuluan ko kanina. Oo, bagong gising ako, oo medyo inaantok pa ako pero malinaw ang pag-iisip ko at sigurado ako sa mga ginagawa ko kanina. At bakit naman ako gagamit ng clorox para ipainom sa anak ko?! Marunong akong magbasa. Imposibleng magkamali ako. At ang layo ng pinaglalagyan ng tubig sa mga gamit na panlaba. Gulong-gulo na ‘ko! Hindi ko na alam ang mga nangyayari. Palalala nang palala ang mga nagagagawa ko. Nanginginig ako, ang bilis ng t***k ng puso ko at naisip ko na muntik ko nang malason ang anak ko. Gusto kong lumayo. Gusto kong pasakitan ang sarili ko. Sino’ng ina ang nasa matinong pag-iisip ang gagawa no’n sa anak nila?! Aalis ako. Kailangan kong gawin ‘to dahil lalong mapapahamak ang pamilya ko hanggang mala

