KABANATA 31 “Magbabakasyon tayo. Saan mo gusto? Baguio? Tagaytay? Bohol? Palawan? Boracay? Kung sa’n mo gusto, pupunta tayo. Eh kung sa ibang bansa kaya? Ano sa tingin mo? Hongkong gusto mo? Marami na tayong pera pero hindi pa natin nagawang magbakasyon.” Tahimik lang ako habang sabi nang sabi si Lito ng kung ano-anong lugar na pwede naming puntahan para magbakasyon. Nasa bakasyon ang isip niya pero ako naiwan sa ospital, sa mga sinabi ni Maritess. “Ano mahal sa’n mo gusto?” Tumingin sandali sa ‘kin si Lito saka ibinalik uli sa daan ang tingin niya dahil nagmamaneho siya. “Ibalik mo na ‘ko. Doon na lang ako sa ospital. Mas bagay ako doon.” Habang papalapit kasi kami nang papalapit pauwi parang unti-unti ring bumabalik ‘yung takot ko na masasaktan ko sila, na may mangyayari na namang hind

