KABANATA 32 Dahil hindi ako maaaring lumabas ng bahay nang hindi kasama si Lito; ang company attorney naming si Atty. Mon Sebastian ang inutusan kong maghanap sa may-ari ng bag na si David Romero. Hindi naman kami nahirapang hanapin siya dahil sa address na nakalagay sa kanyang I.D. pa rin siya nakatira. Pero hindi maganda ang naging pagkikita ni Atty. Sebastian at ni David Romero. Galit na galit si David dahil, nasira daw ang buhay niya dahil sa nawalang pera. Inutang pala niya ang perang ‘yon para ipanimula ng isang negosyo. Pero dahil sa pagkawala ng pera ay hindi niya natupad ang pangakong negosyo sa asawa, at naisangla ang titulo ng lupa’t-bahay nila para ipambayad sa malaking pagkakautang. Dahil sa matinding problemang pinansyal ay nagkaroon siya ng depression, nawalan ng trabaho, n

