KABANATA 29 “Bakit nga pala kayo nasa bahay kanina? Bakit kayo umuwi nina Tiya Susan?” tanong ko kay Lito habang nagmamaneho siya pauwi galing sa ospital. “Tinawagan ako ni Carmela. Kakaiba daw ang kinikilos mo kanina. May sinunog ka daw sa basurahan at sigaw ka nang sigaw. Nang nasa kwarto ka naman daw para kang may kausap pero nang silipin ka niya wala ka namang kausap sa cellphone. Nag-alala kami nang sobra ni Tiya Susan, kaya parehas na kaming umuwi kasama si Let-let.” Natahimik ako sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag dahil kahit ako hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. “Kanina sa kwarto, pilit ka naming kinakausap para bitawan mo ‘yung hawak mo, pero parang hindi mo kami kilala at takot na takot ka sa amin.” Ipinarada muna ni Lito sa gilid ng kalsad

