KABANATA 28 Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa kama. Buti na lang talaga at hindi ko pinasama si Lito dito at nasa ospital sila nina Tiya Susan. “Ano’ng ginagawa n’yo rito? Nandito ba kayo para saktan ako? Isa rin kayo sa mga naloko ng diary na ‘yan ‘di ba?” Itinuro ko pa ang diary na ngayon ay naroon na sa sahig. “Inutusan ba kayo ng matandang babae, ha?!” Matapang na sabi ko kahit na ang totoo ay nanginginig na ako sa takot. Ang makita ang isa sa kanila ay totoong nakakapangilabot na. Ngayon pa na tatlo na silang sabay-sabay na nagpakita sa ‘kin at hindi pa sa panaginip. Kinuha ko ang ballpen na nasa kama. Iyon lang ang tanging matalim na bagay na pwede kong gamitin para maprotektahan ang sarili ko. Kakaiba kasi ang ballpen na ‘yon. Sa kabilang dulo no’n ay mayroong patalim. Binili ‘y

