KABANATA 27 “Kukunin ko na…” bulong niya sa ‘kin at bigla siyang nawala sa harapan ko. Nang makita ko siya uli, nakatayo na siya sa tabi ng kama ni Julliane at sa mga braso niya ay may buhat na siyang sanggol. Napatingin ako sa tabi ko at wala na roon si Let-let. Ibinalik ko ang tingin ko sa matandang babae. “Huwag! Parang awa mo na, huwag mong sasaktan ang mga anak ko.” Dahan-dahan akong tumayo. “Parang awa mo na...” tumutulo na ang mga luha sa mata ko. Sina Tiya Susan at Lito ay mahimbing pa rin ang tulog. Hindi man lang sila nagising sa malakas na sigaw ko. “Ako na lang, huwag ang mga anak ko...” Natatakpan ng suot niyang belong itim ang itaas na parte ng mukha niya at tanging bibig lang niya ang kita. Unti-unti itong gumalaw at gumuhit ang isang nakakakilabot na ngiti mula roon. Ha

