KABANATA 23 Dahan-dahan akong pumasok ng kwarto ni Maritess at nagtama ang aming mga mata. “Kumusta ka Maritess?” Nakangiti kong tanong. “Ikaw ‘musta? Panaginip mo ‘musta? Tutulog ka pa ba? Itim mata mo o...” Bigla siyang tumakbo palapit sa ‘kin at bigla ring huminto nang nakatapat na ang mukha niya sa mukha ko at nakatingin siya sa mga mata ko. Napaatras naman ako. “’Di ka na tutulog. Ako din eh.. Gulo-gulo kasi nila...” “A-ano’ng sabi nila?” Mukhang gusto niyang makipag-usap ngayon kaya hindi na ako nag-aksaya ng panahon para tanungin siya. Hindi muna sumagot si Maritess, kinabahan tuloy ako dahil naisip ko na baka biglang nagbago ang isip niya. Dahan-dahan siyang umatras pabalik sa kama niya at saka naupo. Sumunod ako sa kanya at naupo rin ako sa isa sa mga upuan na nasa harapan ng

