KABANATA 24 Mabilis akong naglakad palabas ng ospital. “Hindi. Baka nagkakamali lang si Maritess. Naibigay na ang hiling. Bakit babawiin pa? Imposibleng mangyari ‘yon ‘tsaka wala naman akong nabasang nakasulat sa diary na may binawian ng hiling sa mga unang gumamit nito.” Para na akong baliw na kinakausap ang sarili ko. Marahil sa mga nakakakita sa ‘kin ay ‘yon rin ang nasa isip nila. “Mrs. Gabriel!” Nagulat ako at napahinto sa biglaang pagtawag sa ‘kin ng isang babae. Si Dra. Samonte pala, ang doktor ni Maritess. “Mrs. Gabriel, are you okay?” Tanong niya sa ‘kin at hinawakan pa ako sa braso. “H-ha? Ah, oo ayos lang ako. S-sige, mauna na ‘ko.” Mabilis ko siyang nilagpasan. Wala na akong panahon na makipag-usap pa sa kanya. Hinihingal akong nakarating sa may parking lot kung nasaan an

