KABANATA 22 “Magda! Ano’ng ginagawa mo?!” sigaw ni Mang Kardo. Napabitaw agad ako sa leeg ko habang habol ang aking hininga. Binuksan ko ang pinto ng kotse at lumabas na. Inalalayan naman ako ni Mang Kardo. “Ano bang ginagawa mo sa sarili mo? Nagulat ako nang makita kita.” “Hindi ko po alam ang mga nangyari. Hindi ko alam ang ginagawa ko. Ang alam ko lang, nanaginip ako. Masamang panaginip.” “Mukhang masama talaga, para gawin mo iyon. Tara muna sa bahay nang mahimasmasan ka.” Inalalayan ako ni Mang Kardo hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Luma na ang bahay pati na ang mga kagamitan sa loob nito. Ang mga upuan ay gawa sa Narra na may mga ukit pa ng bahay kubo at mga puno ng niyog. Ang upuan sa may kusina ay mahabang bangko. Walang ibang appliances sa loob maliban sa nag-iisan

