KABANATA 21 “Kung si Maritess ang pakay mo ay mabuti pang umalis ka na. Hindi na dapat nating pag-usapan ang mga taong wala na.” Matigas ang paglakasabi ng matanda. Halatang ayaw niya talagang pag-usapan si Maritess dahil bigla na lang niya akong tinalikuran saka mabilis na naglakad palayo sa ‘kin. “Sandali lang po!” habol ko sa matanda. “Bakit ganyan na lang po ang reaksyon n’yo nang mabanggit ko si Maritess?” Naabutan ko ang matanda kaya hinawakan ko siya sa braso para pigilan. “At saka Manang, buhay pa po si Maritess.” Tiningnan niya ako nang diretso sa aking mga mata. “Buhay man o patay, ang importante ay wala na siya rito sa lugar namin.” “Bakit po?” “Malas! May dalang malas ang batang iyon. Kung nasaan ang kamatayan, asahan mong naroon siya.” Bigla akong napabitaw sa braso ng ma

