bc

Superficial I love you's

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dominant
tomboy
heir/heiress
humorous
witty
highschool
school
like
intro-logo
Blurb

DESCRIPTION : SUPERFICIAL I LOVE YOU'S.

Esmael Villareal knew that he's gay. Mula pagkabata ay tila ramdam at tanggap na niya ito ngunit mas piniling itago upang hindi masaktan ang ama. Being the only son pressured him at wala siyang ibang choice kundi magpanggap.

Things were pretty normal not until an elite vixen named Raven Mercèdez came in the picture. At talagang inaagaw nito ang long time crush niyang si Felix na ilang taon din niyang palihim na hinahangaan. He thought she likes girls though, and planned to ruin her image to get rid of her but Raven was smart enough not to get caught.

And that was when the pretentious set-up started. He,trying to lure her and her playing his own game.

It is a battle between hearts and different goals stucked in a blissful feeling and Superficial I love You's.

WARNING: This is not your typical love story. Read at your own risks.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Kevin. Bata pa lamang ay alam kong bakla ako. Noon, sumasaya ako sa t'wing nakikipaglaro ako ng mga manika kasama ang aking mga ate. Binibihisan ang manika at inaayusan ng buhok. Mahilig din ako sa makukulay na mga gamit at mga may glitters na laruan. Masaya ang aking naging pagkabata dahil nagagawa ko ang gusto ko hanggang sa umabot ako1a ng High School. Pansin ni Papa ang mga kakaiba kong mga kinikilos at bilang nag-iisang anak na lalaki, hindi pa man ako nakaka-amin ay agad akong binantaan at sinermon ng aking ama. Hinding-hindi raw niya matanggap kapag naging bakla ako kung kaya't maaga pa lang ay gusto na niyang pigilan at baguhin ko ang aking sarili. Sinubukan ko. Sinubukan kong piliin lahat ng mga bagay na taliwas sa gusto ko. Umiwas na rin ako sa pagsasama sa aking mga ate at piniling mag-girlfriend. Ngunit hanggang ngayong Senior High School na ako ay ganun pa'rin. Bakla pa'rin ako, period! Ni magkagusto sa babaeng dine-date ko ay hindi ko nagawa. Kaya mas pinili ko na lamang ilihim sa lahat kahit pa sakal na sakal na ako at gusto ko ng maging malaya. Lalaki ang gusto ko at yun ang alam ko. "Hi Kevin" malanding pagbati ni Eli - isa sa mga kaklase ko - bago maarteng lumapit sa aking kinauupuan. Ngumiti ako kahit na deep inside ay gustong-gusto ko na siyang sabunutan. "Hi Eli" nakangisi kong ani na ikinamula ng kanyang mukha. Gusto kong masuka dahil roon. Pinalandas niya ang kanyang hintuturo sa aking braso bago magsalita. "Gusto lang sana kitang yayaing mag-lunch, free ka ba mamaya?" pabebe niyang ani kaya napairap ako sa aking isipan. "Sure" mabilis kong tugon na ikinakislap ng kanyang mga mata. "Talaga? Sige sige, see you mamaya!" kinikilig niyang ani at hindi pa napigilang halikan ako sa aking pisngi. Yuck virus! Pasimple akong nagtungo sa CR ay marahas na ninudnod ng alcohol ang aking pisngi. Kadorti! Mabuti na lamang at nang makabalik ako ay nandoon na ang aking mga kaibigang si Earn at Sev. Bakla si Earn habang Bisexual naman si Sev. Magkaibigan na kami simula pa Elementary at nagkakasundo sa maraming bagay. "Yo dude" pagbati ni Sev at inapiran ako. Napatango naman ako kay Earn na palihim akong inirapan. Ngumisi naman ako bago umupo sa aking upuan. Maya-maya ay dumating na rin ang guro sa una naming klase. May kasunod siyang babae na matangkad. Rinig ko naman ang pagsinghap ng katabi ko kaya kunot-noo akong napatingin sa kanya. "Good morning" masungit at walang kangiti-ngiting pagbati ng aming guro kaya napatayo kami lahat at sabay-sabay na bumati. Nang makaupo ay nasa babaeng kasama nito ang lahat ng aming atensiyon. Mariin kong tiningnan ang babae at halos mapairap nang mapansin ang napakakinis nitong kutis. Naka- 'wolf cut' ang kanyang itim na itim na buhok. Makakapal ang kilay, maliit ang kanyang ilong at mapupula ang hugis puso at manipis na mga labi. Halos umikot naman ang mga mata ko nang mapansin ang get-up niya. Imbes na saya na pang-babae ay nakaslacks ito gaya ng uniform na'min. Nakatupi rin ang malaki nitong polo sa may bandang braso. Mukha siyang tomboy,mabuti nalang at maputi siya at maganda hmp. Buhay nga naman. Sinasayang lamang ng babaeng ito ang katawang pinapangarap ko. Gusto ko tuloy isigaw na '"switch tayo sis!". Abala ako sa pagsusuri sa kanyang kutis at panghuhula kung ano nga ba ang gamit niyang sabon nang makatagpo ang aming mga mata. Halos malagutan ako ng hininga nang tuluyang tumitig ang kanyang malalamig na kulay tsokolateng nga mata sa akin. Mabilis akong napaiwas at yumuko. "Hi I'm Raven" tamad nitong pakilala sa aming lahat. Nagulat naman kami nang ngumiti ang aming masungit na teacher at pumalakpak. "Sige na hija, pumili ka na ng upuan" masaya nitong ani habang nakabaling siya kay 'Raven'. Otomatiko namang bumagsak ang mukha nito nang bumaling sa amin. Luminga yung Raven sa buong classroom at nagtungo sa bakanteng upuan sa likod ko. Halos bumara pa ang aking inggit na inggit na ilong sa sobrang bango niya. Pinaghalong rosas at honey ata ang kanyang amoy. Babaeng-babae, nakaka-insecure! Buong klase ay nakabusangot ang aking mukha habang nakikinig sa teacher. Bukod kasi sa amoy na amoy ko ang nakakainsecure na babae sa likod at ang ingay-ingay pa ng mga katabi ko. Halos dalawang oras ang aming ginugol sa pag-upo, pakikinig sa guro at pagsagot sa iilang quiz. Sa wakas ay panahon na rin upang mag-Recess. Nagmamadaling nag-ayos ng mga gamit at kumaripas sa canteen. Naiwan naman ako at ang mga kasama kong si Eran at Sev. "Mamayang lunch Kevin ha" maarteng ani ni Eli at kinindatan pa ako bago lumabas kasama ang mga alipores niya. Nasira naman ang mukha ko habang sinusundan sila ng tingin. As if naman susulputin ko 'yon. "Arat Canteen, gutom na'ko" nakangusong ani ni Earn habang hinahaplos ang kanyang mabilbil na tiyan. Sabay naman kaming napailing ni Sev. Sabay kaming napalingon kay Raven na nag-iisang lumabas. Kanina ay tahimik lamang sa buong dalawang oras ang babaeng yun. Ni-hindi siya nakikipag-usap sa katabi o sumasagot man lang sa recitation. "Kilala niyo ba si Raven?" mahinang bulong ni Earn na agad naming ikinailing ni Sev. Sumenyas naman itong lumapit at bilang mga dakilang marites ng bayan ay taka naming inilapit ang aming mga tenga. "Si Raven ay bali-balitang isang 'gay hater'" maingat niyang bulong na ikinakunot ng mga noo namin. Akala ko naman kung ano na. "Ano naman?" tanong ko kaya agad akong nakatikim ng isang malakas na hampas sa kanya. Maarte kong iniwas ang aking balikat. "Anong ano naman?! Malakas ang pang-amoy ng babaeng yun, she can definitely tell if bakla ang isang tao o hindi. Ganun siya kagalit sa mga bakla!" panenermon niya bago ako talim na tiningnan. "Kaya kung ayaw mong mabuking ka, iwasan mo yung babaeng yun" seryoso niyang bulong. Napaisip naman ako dahil roon ngunit agad ding ngumisi at napailing. Sa sobrang daming girlfriends and flings ko, impossibleng malalaman niya kung ano ako. "Ano ka ba,relax Earn" natatawa kong ani na ikinailing lamang niya. Ilang minuto pa ang aming pinalipas at tsaka kami nagtungo sa Canteen. Wala ng masyadong tao kaya mabilis kaming nakakuha ng makakain. Nagkukulitan at maingay kaming nagtungo sa isang lamesa. Masaya kaming kumakain nang may isang babaeng biglang sumulpot sa harapan ng aming lamesa. "Hoy Earn, lumayo layo ka nga rito kay Kevin at baka mahawa siya diyan sa kabaklaan mo" walang pakundangan nitong ani na sabay naming ikinanganga ni Sev. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Earn at inirapan ang babae. "Hoy Ivy, akala mo naman maganda ka e, ang oily ng mukha mo!" balik na tugon ni Earn na ikina 'ohh' ng lahat ng mga estudyante sa Canteen. Nanubig naman ang mga mata nung Ivy at madramang lumingkis sa mga braso ko. "Kevin oh,pinahiya ako ni Earn!" maarte niyang pagsusumbong. Hindi makapaniwalang tumingin si Earn sa babae at akmang sasakalin ito. Mabuti na lamang at napigilan ito kaagad ni Sev. Sayang! Masuyo kong tiningnan ang babae at marahang iniipt ang iilang hibla ng kanyang buhok sa likod ng kanyang tenga. "Ivy right?" mahina kong ani na mabilis niyang ikinatango. "Don't worry Ivy, since elementary ay magkaibigan na kami ni Earn,kung magiging bakla man ako katulad niya, dapat matagal na" nakangiti kong ani kaya para itong timang na napangiti rin. "I know K-kevin, I'm sorry" parang nanaginip nitong ani bago ngumiti kay Earn. Umirap naman ang aking kaibigan at busangot ang naging mukha hanggang sa makaalis na nga ang babae. "Naku, yang mga lintang yan talaga!" masungit nitong ani habang padabog na binubuksan ang binili nitong chitchirya. Hindi na lamang kami nagsalita pa ni Sev at hinayaan na lamang siya. Buong Recess ay nanatili kami sa Canteen. Pawala-wala naman ang mga tao dahil sa iba-ibang schedule ng mga klase ng mga estudyante. Kumakain lamang kami ng inorder na shanghai ni Sev nang biglaang suminghap si Earn. "Hala te,yung crush mo" madiin niyang bulong. Napatingin naman ako sa may entrada ng canteen. Sa tingin ko ay biglang tumaas ang aking blood pressure nang makita ang crush kong si Felix, kaakbay ang bago naming kaklase na si Raven. Tumawa si Felix habang seryoso lamang ang mukha ng babae. Mukhang wala naman itong pakialam ngunit naiinis pa'rin ako sa kanya. "Mang-aagaw" wala sa sarili kong bulong na ikina-ismid ng dalawa. "Talaga mang-aagaw? Sayo te?Sayo?" nang-uuyam na ani ni Earn kaya matalim ko siyang binalingan. Tumiklop naman ang bakla. Dahil na'rin sa nakita ay mabilis akong umalis roon. Nakakawala ng gana. Ngunit bago pa man ako tuluyang makalabas ng canteen ay isang nakakamatay na tingin ang aking iginawad sa babaeng inaakbayan ng crush ko. Crush stealer!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.5K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.3K
bc

His Obsession

read
105.0K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook