CHAPTER 2

1326 Words
Kevin. Halos buong hapon akong nakabusangot habang uma-attend sa dalawa pa naming mga klase. Ni-hindi pa nag-atubili ang dalawa na kausapin ako dahil alam nilang galit ako. Hindi lang pala galit, galit na galit! Nang dismissal ng huli naming subject ay matalim kong tiningnan ang likod ni Raven. Agad naman akong sinuway nila Earn bago hinila papunta sa soccer field. "Hoy baliw, sinamaan mo pa talaga ng tingin yung babae, e wala naman yung kamalay-malay sa mga pinagpuputok ng butsi mo riyan" panenermon ni Earn nang makaupo kami sa iilang bleachers. Lihim naman akong napairap at imbes na magsalita ay inis na lamang akong tumingin sa mga damo. "O kita mo, pati sa damo galit na galit" naiiling at natatawang ani ni Sev kaya agad ko siyang binatukan. Napadaing naman ito at bahagyang lumayo sa akin. "Galit na galit, gustong manakit" natatawa niyang dugtong habang hinihimas ang braso. Napabuntong-hininga na lamang ako at hindi nalang pinansin ang mga pang-aasar nilang dalawa. Marahil ay nagiging immature na nga ako. Alam kong wala namang kamalay-malay ang Raven na iyon pero hindi ko alam, basta inis na inis ako sa kanya. "Kevin!" Napabaling kami sa maarteng babae na patakbong nagtungo sa pwesto namin. Lumingkis ang kanyang mga kamay sa aking braso. Muntik ko pa siyang matulak. Inis na inis na nga ako at dumagdag pa itong linta na ito. "Pwede ba Sere, umalis ka muna at badtrip yang kaibigan namin" masungit na suway ni Earn na ikinanguso nung Sere. "Bakit naman badtrip ang baby ko?" pabebe niyang ani at hinaplos pa ang aking pisngi. Hindi na ako nakapagpigil pa at iniwas iyon. Mukhang nagulat naman siya kaya agad siyang pumormal at umupo na lamang sa gilid ko. "Mukhang badtrip nga,pero hihi ang hot mo pala lalo kapag galit" kinikilig niyang ani kaya nagmumukha siyang uod na binudburan ng asin. Mabuti nalang at tinawag siya nang iilang babaeng kaklase niya kaya mabilis siyang nagpaalam. Napailing na lamang ako at bumaling sa kabuuan ng soccer field. Halos maismid pa ako nang makita ang babaeng kinaiinisan ko. Si Raven. Nakaitim na t-shirt ito kaya lantad na lantad ang maputla at makinis na kutis,naka-shorts din ito hanggang itaas ng tuhod. Napairap ako nang makita kung gaano siya kaseryoso habang nakikinig sa Coach na nasa kanilang harapan. "Wow, Athletic pala yang si Raven. Transferee lang yan diba? Tapos mukhang nakapasok agad sa Women's Soccer Team " mahabang lintaya ni Sev habang nasa mga nagwa-warm up lang ang tingin. "Athletic din naman ako"wala sa sarili kong bulong na ikinahalakhak ng dalawa. "Wow, ang competitive ha" halos maiyak na si Earn sa kakatawa. Nakasimangot ko naman siyang binalingan. "Alam mo ikaw,minsan ang hina rin ng utak mo" ani ni Sev na ikinasinghap ni Earn. "Hoy Sev, With High Honors yang inaaano mo samantalang ikaw No Honors with blankong grado pa" giit niya na ikinailing ni Sev. "Grabe ka naman, hindi ko lang talaga gets yung lesson!" pangangatwiran nito at bumaling sa akin. "Pre, alam kong mahina ako sa klase pero matalino ako pagdating sa pag-ibig." seryoso nitong ani. "Bakit hindi mo ligawan yang si Raven para lumayo kay Felix? Hindi ba't yun naman ang gusto mo?Atsaka bago palang si Raven rito malabong magjowa na sila ng crush mo" mahaba nitong suhestiyon na ikinaangat ng tingin ko sa kanya. "Wow Sev ha,gumagana pala yang utak mo" natutuwang ani ni Earn "Pero kasi diba ansabi ko 'gay hater' yan? Baka malaman niyang sirena itong kaibigan natin at ipagkalat" pagbabawi ni Earn at nag-aalang tumingin sa akin. Wala sa sarili akong napangisi. Malabo iyon dahil sa dami kong girfriends. Atsaka,sinong babae ba ang hindi mahuhumaling sa'kin? Bukod sa carbon copy ako ng aking ama ay matalino ako at mabait sa lahat. "Tingnan natin" kampante kong ani nang nakangiti na ngayon habang mariing tinitingnan ang babaeng dahilan ng inis at galit ko kanina. "Naku, basta binalaan kita" umiiling na ani ni Earn at nagpaalam na bibili lang ng inumin. Naiwan naman kami si Sev doon habang unti-unti nang dumarami ang mga estudyanteng tumatambay sa mga bleachers ng soccer field. "Yan ba yung Raven?" rinig kong ani ng isa sa mga babaeng kalapit namin. "Oo, tingnan mo nakaka-inlove no?" kinikilig na ani ng kasama niya na ikinalaki ng mga mata namin ni Sev. Wala sa sarili kaming nagkatinginan. "Oo nga, grabe ruler nalang talaga siguro ang straight ngayon" halos mahimatay ang isa sa kanila bago isa isang bumaba sa field. "Grabe rinig mo yun?" mahinang bulong ni Sev na ikinairap ko. "Malamang,may tenga din naman ako no" pairap kong ani na ikinanguso niya. "Oy si Raven pre" rinig naming ani ng isa sa mga lalaki sa likod namin. "Felix, dito nalang kami maghihintay, nahihiya kami kay Raven" namumulang ani ng isa sa mga kasama ni Felix at nakangisi naman itong tumango. "Sige pre, hatid ko lang 'tong tubig niya" nakangiting ani ni Felix. Nang-aasar pa siyang tiningnan ng mga kasama kaya mistulan akong pinagsakluban ng lupa. Halos maiyukom ko ang aking nga kamay nang makitang tinawag ni Felix si Raven. Tamad namang lumapit ang babae at kinuha ang tumbler. Halos sumabog pa ako sa inis nang pabirong ginulo ni Felix ang buhok niya na agad naman nitong ikinasimangot. May iilang kinikilig pa na mga babae ang nang-uusisa sa gilid and how I wish it was me. Sana ako nalang ang inaasar ni Felix at kami nalang ang inuusisa ng mga inggit at kilig na kilig na mga babae. "Mukhang nagkakamabutihan na sila kaya umaksiyon ka na kaibigan hangga't maaga pa"nangungutyang ani ni Sev na simple kong ikinatango. "Humanda sa'kin yang babaeng yan" madiin kong ani. ** Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Halos tatlo palang kami sa Room. Masyadong maaga si Raven na nauna pa sa akin. Napangiti ako at agad siyang sinundan nang makitang lumabas siya ng silid. Pasimple lamang akong tumingin sa kahit ano - mapadingding, halaman at sahig - upang sundan siya. Napadpad kami sa mga nakahilerang locker ng mga babae at tamad siyang huminto sa tapat ng isa. "What do you want?" walang gana niyang ani habang binubuksan ang locker niya. Halos manindig naman ang aking balahibo nang marinig ang kanyang malalim na boses. "U-uhm" halos makutusan ko ang aking sarili nang mautal. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan! Napatingin naman siya sa kulay pink na paperbag na dala ko. "A-ah para sayo" kinakabahan man ay pilit akong kumindat habang inaabot sa kanya ang paperbag. Nakapikit pa ako nang mapagtantong nagmumukha akong trying hard sa pagkindat! Napatingin naman siya roon bago sa akin. Tinangap niya iyon at sinilip ang laman. Bago pa man ako makatalikod ay agad siyang nagsalita. " I don't like sweets and I hate the paperbag's color" pasimple niyang ani kaya lito akong napatingin sa kanya. "H-ha?" parang timang kong ani at halos lumabas pa ang aking puso nang makita ang kanyang pag-ngisi. "If you want to give me a gift, it should be color blue and anything but sweets" pagpapaliwanag niya at ibinalik sa akin ang paperbag. Napamaang naman ako at nabitin ang bibig nang walang sali-salita siyang umalis. Napatingin naman ako sa paperbag at sa sulat na nasa loob roon. Halos mapuyat pa ako kakaisip kung ano ang isusulat ko tapos isasauli lang pala niya?! "Ang arte naman ng babaeng yun" inis kong bulong at muntik pang maitapon ang gift. "Hindi naman masyadong maganda, slight lang!" padabog kong ani. Buti nalang at paborito ko ang pink at chocolates kaya ako nalang din ang kumain ng mga laman non. "Blue and anything but sweets? As if naman reregaluhan pa kita no" inis kong ani habang padabog na binuksan ang chocate. Maaga pa para roon pero hindi ko napigilan kasi stress ang beauty ko! "Wow chocolates" hiyaw ni Earn nang makabalik ako sa classroom. Naroon na sila Sev kaya mabilis akong umupo sa aking silya. Nang lingunin ko naman ang aking likod ay nakita kong nakataob ang mukha ni Raven sa kanyang silya. Nakanguso akong bumaling sa harap. Taka naman akong tiningnan ng dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD