Kevin.
Alam kong isinumpa ko sa aking sarili na hindi ko na reregaluhan kailanman ang babaeng iyon pero heto ako ngayon, pumipili ng mga chips at drinks para ibigay sa kanya.
Kinuha ko na rin ang panibagong asul na paperbag at maingat na isinilid ang aking mga pinamili.
Hinipan ko pa ito nang mapansing mag konting alikabok na nakatakas.
"O,hijo malapit na mag-ala una, tara na at ihahatid na kita" saad ni Papa at napatingin sa aking dala bago ngumisi.
Umuwi talaga ako ngayong lunch upang takasan si Eli. Asa lang ang babaeng iyon na sasabay ako sa kanya.
"Naku ang anak ko, nagbibinata na" masayamg ani ni Papa at sinilip pa ang paperbag.
"Pa, huwag mong pakialam baka magusot!" suway ko na mas lalong ikinalawak ng kanyang ngisi.
"Ikaw talaga Kev, kagabi nakita kitang nagbalot ng kulay rosas na paperbag. Bakit asul 'to?" singit ni Mama at lumapit kay Papa na abala sa pakikielam sa mga gamit ko.
"Ayaw ni Raven ng pink Ma, gusto niya Blue" inis kong ani at huli na nang mapagtantong nasabi ko ang pangalan ng babaeng iyon.
Nanlaki naman ang mga mata nilang dalawa bago huminga nang maluwag.
"Mabuti at Raven? Babae. Akala ko naman lalaki ang pagbibigyan mo nito" panatag na ani ni Mama na agad na sinuway ni Papa.
"Ano ba Vina, anong akala mo sa junior ko? Bakla?" naiiling nitong ani na ikinalunok ko.
"Oo nga naman Ma, hindi ako bakla" umiiling kong ani at halos may bumara sa lalamunan ko.
Hindi bakla my ass.
Napanguso na lamang si Mama. Hinatid ako ni Papa sa tapat ng gate.
"Sa susunod,bibilhan kita ng kotse para mahatid mo na yang nililigawan mo" nakangising ani nito bago ako makababa ng sasakyan.
" O sige ba Pa, yung sports car ha para mainlove agad" natatawang kong ani na ikinahalakhak niya.
Masaya naman ako kahit papaano nang makapasok sa classroom. As usual,natutulog na naman si Raven sa upuan niya.
Lunch break kaya wala halos lahat ang mga kaklase namin. Si Earn at Sev nga at wala pa sa kanilang nga upuan. Pasimple ko namang inilapag ang paperbag sa may paanan ni Raven.
Kinabahan ako nang mapansing nagising siya sa ginawa ko. Tamad niyang kinusot ang kanyang nga mata bago bumaling sa paperbag na inilapag ko.
Kinuha niya iyon at sinilip bago tumingin sa akin. Halos manigas naman ako sa kinauupuan nang makatagpo ang walang kabuhay-buhay niyang nga mata.
"Salamat" tipid niyang ani na ikinadouble ng kabang nararamdaman ko.
Kinakabahan akong ngumiti at mabilis na tumalikod sa kanya. Wala sa sarili ko pang nahawakan ang aking may bandang dibdib nang makaramdamn ng kung anong kakaiba.
Siguro ay kailangan kong magpacheck-up bukas.
Dumating ang aming guro at tahimik lamang akong nakikinig. Paminsan-minsan ay tinataas ko ang aking kamay sa recitation.
"Ibabalik ko na ang inyong mga answer sheets sa quiz natin kahapon. Pag-aralan niyong mabuti ang mga mali at lalabas ulit yan sa Summative" striktang ani ni Ma'am na agad naming tinugunan ng kanya-kanyang tango.
"25 over 25. Merćedez" nakangiting ani ng terror teacher namin.
Tamad namang tumayo si Raven habang pinapalakpakan namin siya.
"Matalino din pala siya" bulong ni Earn sa akin habang nanatili ang aking tingin sa babae na mukhang hindi na naman nasurpresa sa score niya.
"Escarial, 24 over 25" nabalik ako sa wisyo nang tinawag ni Ma'am ang apelyido ko. Mabilis akong natungo roon at nakangiting kinuha ang aking papel.
Pababa nang pababa ang mga naging marka ng mga kaklase ko hanggang sa dinissmissed na nga kami ng Teacher.
Gaya ng kinagawian ay tumambay kami sa bleachers sa field. May hawak akong isang bote ng mineral water habang kinakabahang tumingin kay Raven na nasa gitna ng field.
"Go, sexy Raven!" tili ng isang babae habang nakahawak si Raven sa isang baseball bat.
"Akala ko ba, soccer player yan siya?" kunot-noong ani ni Earn habang nakatingin sa babae na halos paliparin ang bola ng softball sa malayong bahagi ng field dahil sa sobrang lakas na pagpalo nito.
"Mukhang marami siyang sports, nakita ko rin yan kahapon naglalaro ng chess" saad ni Sev na ikinalito naming tatlo.
"Pwede ba yun?" takang tanong ko na ikinakibit balikat lamang nilang dalawa.
"Sabagay Si Raven yan, narinig niyo ba yung apelyido niya kanina? Sosyal, katunog nung malaking hotel and resort sa kabilang bayan." mahabang lintaya ni Sev na ikinatango namin ni Earn.
Kung pagbabasehan naman kasi ang itsura ng babae ay halatang nagmula ito sa mayamang pamilya. I mean, halos naman lahat ng estudyante rito ay may kaya pero iba lang talaga ang dating niya.
"Ibigay mo na yang tubig" pagtutulak ni Earn nang makitang lumapit si Raven sa may bleachers sa unahan upang makapagpahinga. Inilibot nito ang kanyang tingin at napatingin sa akin bago ang mineral water na nasa kamay ko.
Dahil roon ay kabado akong lumapit sa kanya. Ngunit bago pa lamang ako makapagsalita ay agad na may nag-abot sa kanya ng tumbler.
Napahinto tuloy ako at napatingin kay Felix na nasa gilid ko lang.
"Tubig mo Rav" saad nito at ginulo muli ang buhok ng babae.
Napatingin naman ito sa akin nang maabot na ng babae ang tumbler.
"Oh, Kevin right?" tanong nito na halos ikinamula ng mukha ko.
"Ah oo p-pare" nauutal kong ani.
" Para kay Raven sana?" tanong niya habang nakatingin sa mineral na dala ko. Nahihiya akong tumango na ikinangisi niya.
" Ayaw ni Raven uminom ng ibang tubig kapag hindi sa tumbler niya" nakangiti niyang ani at tinapik pa ang aking balikat bago umalis.
Wala naman akong nagawa kundi bumalik sa pwesto namin kanina.
"Oy ano yun? Kaloka ka ha, may patapik pa ng balikat galing kay fafa Felix" nakangising ani ni Earn na agad kong inilingan.
Ni-hindi ko magawang magsaya dahil sa kahihiyang natamo kanina. Wala sa sarili naman akong napatingin sa bottled mineral water na hawak bago sa kinatatayuan ni Raven. Halos mabuwal naman ako sa kinauupuan nang makitang nakatingin din siya sa akin. Mabilis akong umiwas at tumikhim.
"So anong next moves mo kay Raven 'te? Mukhang mas nagiging malapit na talaga sila ni Felix. Kahapon nakita ko siyang sumakay sa kotse ng lalaki" pagsusumbong ni Sev.
Naantig naman ang tenga ko sa sinabi niya. Nandun na naman ang inis na dumadaloy sa katawan ko ngunit agad ding nawala nang makita si Raven dala dala ang regalo ko sa kanya kanina.
"Wow, may dalang gift si Raven, kanino kaya galing?" kuryosong tanong ng isang babae sa harap namin.
"Ewan, baka kay Felix lang kasi diba niregaluhan yun si Edna kahapon? Hindi tinanggap ayaw daw sa matatamis" nakangusong ani ng kasama niya.
Napairap naman ako dahil roon. Porket tinanggap, galing na kaagad kay Felix?
"Ano kayang gusto niya? Bibilhin ko talaga yun kahit gaano pa kamahal" kinikilig na ani ng babae.
"Naku, mayaman yan sila kaya alam kong halos lahat naman ng gusto niya kaya niyang bilhin" singit ng isa at sunod-sunod na nga ang kanilang chismisan.
Dumating pa sila sa paboritong ulam, brand ng bag, snack at kung ano-ano ni Raven.
"Ano kayang paboritong kulay niya?" mapantasyang ani ng isa sa kanila.
Umirap ako bago bumulong.
"Malamang blue,yun naman lahat ng kulay ng mga gamit niya" bulong ko na kaagad na nakatanggap ng siko mula kay Earn.
"Hala, sayo galing yun?" pasinghap niyang bulong.
Nakangisi naman akong tumango at sinundan ng tingin si Raven na papaalis na. Siguro ay maaga siyang uuwi ngayon.
"Wow, iba din" saad ni Sev na nasa gilid ko.
Napatingin naman ang iilang babae sa gawi namin. Ang iba ay kumislap ang mga mata at bumungsngis habang ang iilan ay bumaling din agad sa unahan at pinagmasdan si Raven na naglalakad habang nasa dulo na ng field.
Wala na naman kaming gagawin kaya mabilis na rin kaming nag-ayos ng mga gamit at umuwi.