Kevin.
13-20 in favor sa grupo namin.
Yun ang naging puntos ng kabilang grupo bago pumasok si Raven ngunit hanggang ngayon ay hindi na kailanman nakapuntos muli ang team namin.
Nakita kong napangisi at napailing si Felix nang mablock ni Raven ang kanyang malakas na spike. Napainom na lamang ako ng tubig nang mapansing nagkakatuwaan lang ang dalawa habang hirap na hirap ang kanya-kanyang mga teammates.Tumingin ako sa score board at halos mabuga ang iniinom na tubig nang makita 20-20 na agad ang scores.
"Gagi, normal pa ba yan sila? Ang gagaling" hindi mapigilang sambit ni Sev sa tabi ko. Kahit si Earn na ayaw na ayaw sa sports ay tutok na tutok na rin sa panonood.
"Yey! Ate Raven!" tili ng mga Junior High nang makapagpakawala ng isang malakas na spike si Raven. Halos rinig namin ang malakas na bugso nito. Halos napatanga pa kami nang makitang sa mismong hulihan ng line iyon bumagsak. Muntik nang ma-out pero pasok na pasok pa'rin.
Halos mapadasal naman ang kagrupo namin nang muntik na siyang masapol noon. Buti na lang at naisipan niyang umiwas nalang kaysa tanggapin ang bola.
"Relax Raven, hindi halatang gutom ka na" rinig kong natatawang ani ni Felix sa babae. Ngumisi naman ito at umiling.
"Ay close sila" mapangutyang ani ni Earn at tumingin sa'kin. Napairap naman ako at minabuting panood nalang.
Nagpatuloy ang laro. Nakakapuntos ulit ang team namin nang kumalma ng konti ang paglalaro ni Raven. Hindi nito gaanong nilalakasan ang pagpalo sa bola upang mabigyan ng chance ang kalaban na saluhin ito at hindi iwasan. Binibigyan din kami ng chance na magsub at maranasang makapaglaro sa gitna.
"Kev, pasok ka na try mo" ani ni Felix kaya kinakabahan akong tumingin sa kanya.
"Hindi pa ako marunong" nahihiya kong tugon ngunit umiling lang siya.
"Mas matuto ka through experience" giit niya at bahagya pa akong tinulak pagitna. Nahila rin ng iilang members namin si Earn na naka-ekis na ngayon ang mga braso sa dibdib. Halatang napilitang maglaro.
Pumito ang Club President.
Isang maliit na Grade-7 ang nagserve. Lumipad ang bola sa akin kaya lito man ay sinubukan ko itong tanggapin. Maayos ko itong napabalik sa ere at agad namang spinike ng aking kasama.
Pumalakpak ang aming nga kasama. Kabado akong napangiti. Iyon ata ang kauna-unahan kong received. Ang kasama namin ang nagserve at maayos itong natanggap ng kabilang grupo. Isang mahinang pasa lang ang ginawa nito ngunit nakascore pa rin dahil iniwasan ni Earn ang bola.
"Earn tanggapin mo!" sigaw ni Sev mula sa labas ng court. Umirap naman ang bakla kaya napilitan silang palitan siya.
Iilang points pa ang aming nakuha hanggang sa si Raven na ang may hawak ng bola at pinatalbog iyon bago sinerve.
"Kevin, kaya niyo yan!" rinig kong ani ni Felix. Nakita ko ang masaya niyang mukha habang nagche-cheer samin kaya saglit akong napatulala sa net.
Huli na nang mapagtanto kong papunta pala sa akin ang bola.
Sapol. Bull's eye. Headshot.
Dumiretso ito sa mukha ko kaya agad akong natumba.
"Kevin!" rinig kong sigaw ni Earn.
Mabuti nalang at hindi naman gaano kasakit ang aking pagkatumba. Napadaing ako at wala sa sariling napahawak sa aking ilong.
Agad akong inalalayan paupo at pinaypayan. May nakahanda rin agad na icebag at mga first aid kit kaya agad nila akong inalalayang makalakad papunta sa mga bleachers.
"Naku Kevin! Keviiin!" tarantang ani ni Earn kaya masakit man ang mukha ay hindi ko siya napigilang batukan.
"Okay lang ako Pres" saad ko kay Lilien. Napatango naman siya at pinagpatuloy ang laro.
Sa huli ay panalo ang Team nila Raven at ang mga Junior High na tinuturuan niya.
"Kev okay ka lang?" tanong ni Felix nang matapos ang laro. Mabilis naman akong tumango. Medyo namula lang ang ilong ko at masakit ang likod pero okay na naman ako. Kasalanan ko rin kasi.
"Pasensiya na at pinapasok kita sa team kanina. Alam ko namang hindi ka naglalaro ng Volleyball" saad niya kaya agad kong winasiwas ang aking mga kamay.
"Hindi p-pare, kasalanan ko talaga yun.Hindi ako nakapag-focus" nahihiya kong tugon. Ngumiti naman siya bago nagpaalam na magbibihis.
"May masakit pa ba sayo?" nag-aalang tanong ng isa sa mga kakampi ko kanina. Umiling naman ako na ikinapanatag ng mukha niya.
"Mabuti naman, ako nga pala si Loraine, transferee rin ako kasabayan si Raven. Iba nga lang ang strand ko" masaya niyang pakilala at walang hiya hiyang umupo sa tabi namin.
"Ako nga pala si Kevin,ito si Earn at yan si Sev" pakilala ko at isa-isang tinuro ang aking mga kaibigan. Lumapad naman ang ngiti niya bago yumukod.
"Nice to meet you!" masigla niyang ani bago tumingin sa gitna ng field.
"Hala omg, walang katulong si Raven sa pagpupulot ng bola! See yah later Power Rangers" excited nitong ani at patalon na nagtungo sa kinaroroonan ng aming kaklase.
Sabay namang kumunot ang mga noo naming tatlo habang tinitingnan siya.
"Ang weird naman ng babaeng yun" ani ni Earn habang nakapameywang sa gilid ko.
"Tinawag pa tayong Power Rangers" natatawang ani ni Sev kaya wala sa sarili kaming napatingin sa aming mga suot.
Nakakulay asul ako habang nakakulay pula si Sev. Pink naman ang suot ni Earn kaya bigla kaming natawa.
"Seriously? Power Rangers?" maarteng ani ni Earn
"Buti nalang ako yung pink" dagdag niya bago humalakhak.
Isang masarap na pa-dinner ang iginawad sa mga nanalo. Sali na rin kaming mga talunan ngunit wala kaming desserts gaya ng mga nanalo. Inggit na inggit tuloy si Earn sa pa-chocate cake ng Junior High. Ala sais na ng hapon at madilim na dahil sa makulimlim na kalangitan.
"Pasensiya na guys, gusto man naming tayong lahat ay makapag-desserts ay unfair din sa nanalong ginawa ang lahat para manalo ang game" natatawang ani ng Club President.
Napa-thumbs up naman kami lahat upang iparating na okay lang. Masarap naman ang mga ulam at pupwede pa kaming magdagdag kahit kailan namin gusto.
"Kev, una na kami andyan na si Father dear" ani ni Earn at hinila si Sev. Gustuhin ko mang sumabay ay kailangan ko pang tulungan si Loraine na magbuhat ng ginamit na mesa
"Salamat Kevin, ambait mo ha" natatawang ani ng weirdong si Loraine. Huling mesa na ang aming binuhat papunta sa gilid.
"Okay lang atsaka bakit ikaw ang nagbubuhat ne'to? Asan ang mga lalaki?" tanong ko na ikinairap niya.
"Secret, joke.. nag-volunteer ako" natatawang ani niya.
"Kaklase niyo si Raven diba?Yii parang gusto ko nalang mag STEM" pagkaraa'y tanong niya na ikinaningkit ng mga mata ko.Dahan- dahan akong tumango. Natawa siyang muli bago isinukbit ang bag.
"Kamusta naman siya bilang kaklase?" tanong niya habang may kakaunting kislap sa mga mata.
Napaisip naman ako habang nakangiti siyang nakatitig sa akin - naghihintay ng sagot.
"Okay naman, matalino siya at tahimik lang?" simple kong ani na ikinalapad ng ngiti niya.
"Alam kong matalino siya, ang ganda din niya diba? Don't tell me hindi ka naattract sa kanya?" seryoso niyang tanong.
"Ah--" hindi pa lamang ako nakakasagot ay salubong ang kanyang kilay nang ako'y tingnan.
"Don't you dare. Si Raven ay para lamang sa babae" matalim niyang ani na halos ikinairap ko.
Kung makadesisyon naman itong babaeng 'to, batas ka teh?! Atsaka hindi naman halatang may gusto ito sa kaklase namin,kasi halatang halata.
Saglit naman akong natigilan at inalala ang mukha ni Raven. Oo maganda siya kaya nga inggit na inggit ako sa kanya sa una kong kita pero ang ma-attrac sa kanya? I don't think that's possible. Kung hindi siguro ako bakla ay posible iyon.
Ikinakibit-balikat ko na lamang ang kanyang pagbabanta. Sa huli ay masaya siyang kumaway sa akin bago pumasok sa Van na kanyang sundo.Naiwan naman ako sa waiting shed. Naghihintay sa driver ni Mama ngunit nang mapatingin ako phone ko ay huli na nang mabasa ko ang kanyang text.
Na-stuck sila sa traffic ni Mang Gibo kaya magtaxi nalang muna daw ako. Naiiling kong isinilid sa aking bulsa ang aking cellphone at mag-abang sa gilid ng kalsada.
Malas lang at sobrang tahimik na ng daan. Ganun talaga kapag alas sais rito. Wala na gaanong dumaraan. Halos mapatalon pa ako nang biglang kumulog.
"Putspa ang swerte ko naman" bulong ko nang maramdaman ang kakaunting patak ng ulan. Umaabon na!
Taranta akong luminga sa kalsada nang may isang mamahaling asul na kotse ang tumigil sa mismong harap ko. Grabe, gusto ko din ng kulay pink na ganun!
Napaawang ang aking mga labi nang makita si Raven sa loob noon.
"Get in" malamig niyang ani kaya sa taranta ko ay muntik pa akong madapa. Nahihiya akong sumakay sa passenger seat. Wala rin naman akong choice kesa maabutan pa ako ng ulan.
Pasimple kong binalingan si Raven. Seryoso lamang siyang nag-da drive. Eksperto niyang iniikot ang steering wheel habang mariing nakatingin sa daan.
"Address mo?" bigla niyang tanong na halos ikinapitlag ko pa. Saglit naman siyang napasulyap sa akin bago ibinalik ang tingin sa daan.
"You look tensed, relax" nakangisi niyang ani na ikinamula ng mukha ko.
"S-sa convenience store nalang ako bababa at maraming taxi na naman ang naroon" nahihiya kong ani.
"Address nga? I'll drive you to your house" giit niya kaya wala akong nagawa kundi ibigay ang address namin.