CHAPTER 5

1613 Words
Kevin. Pagdating ng Sabado ay halos wala akong ginawa buong umaga. Hindi kami nakagala nila Sev at Earn dahil sa malakas na ulan kanina. Magkikita nalang siguro kami sa meeting ng Sports club mamaya. "Keviane, ano itong nababalitaan kong boyfriend mo raw iyong engineering student na naghatid sayo kagabi?" striktang tanong ni Mama habang kumakain kami ng tanghalian. Napabaling kaming tatlo kay Ate at hindi nakatakas sa amin ang kanyang pasimpleng paglunok. "Ma, matanda na po ako" iyon lamang ang kanyang tugon na ikinabuntong-hininga ni Mama. Wala si Papa ngayon at nasa Batangas kaya kaming apat lamang ang natira. "Naku, lagot ka kay Papa kapag nalaman niya yan" singit ng isa ko pang kapatid na si Ate Vianne. "Vi naman, pupwede bang huwag niyo muna'ng sabihin kay Papa?" kinakabahan na pakiusap ni Ate Keviane. Patuloy lamang sila sa pagtatalo habang ako ay tahimik lamang sa gilid. Hindi na naman bago sa amin ang ganito. Madalas talagang hindi nagkakaunawaan ang dalawa kong ate dahil parehong matataas ang pride at spoiled. "Eh si Kevin Ma, ikaw ha balita ko may isinabay ka kahapon" pang-aasar ni Ate ay pinaningkitan pa ako ng mata. Umiling naman ako na ikinairap niya. Sinasali pa ako e! Sinaway naman agad sila ni Mama kaya agad ding natahimik ang dalawa. "Hay naku, mabuti pa itong si Kevin at pu-pwede lang mag-girlfriend. Sa'min ang higpit-higpit ni Papa" nakangusong ani ni Ate Vi. Napailing naman si Mama. "Syempre mga babae kayo at nagdo-double ingat lang ang papa niyo" giit ni Mama at makahulugang tumingin sa akin. Sa huli ay mapayapa ring natapos ang aming hapunan. Dumiretso ako sa kwarto upang magbihis. May meeting kami ng alas dos at hihintayin ko pa sila Earn at Sev sa tapat ng gate. "Ma, aalis na ako!" sigaw ko mula sa sala. "Mag-iingat kayo anak!" pabalik niyang tugon mula sa kusina. Agad ko naman sinukbit ang aking bag at nagtungo sa garahe. Agad na lumapit ang driver ni Mama at hinatid ako sa tapat ng gate. Naupo naman ako sa may waiting shed at nag-cellphone na lamang habang hinihintay ang dalawa. "Kevin?" tawag ng kung sino kaya napaangat ako ng tingin. Halos matumba naman ako nang makitang si Felix iyon. Kinakabahan akong tumango at ngumiti naman siya. "Hindi ka pa ba papasok? Mags-start na" yaya niya kaya halos mamula ang tenga ko. Mabuti na lamang at may humintong kotse sa aming harapan. Iniluwa noon sina Earn at Sev. Napahinto naman sila nang makita kami. "Oh,may hinihintay ka pala. Sige mauuna na'ko" mabait niyang ani at nauna nang pumasok. Sinundan ko naman siya ng tingin hanggang sa pagpasok niya ng gate bago bumaling sa dalawa. Napatingin ako sa aking relo. Halos saktong alas dos nakarating ang dalawa. Nakabusangot ako nang lumapit sila. "Antagal niyo" reklamo ko ngunit hindi nila iyon inalintana. Halos mabali ang kanilang mga leeg habang sinusundan ng tingin si Felix. Mabilis ko naman silang binatukan isa-isa. Sabay silang napadaing at bumaling sa akin. "Eh, heto kasing si Sev sinundo ko pa. Ambagal kumilos" inis na ani ni Earn na bahagya pang tinulak si Sev palayo. Napakamot naman sa kanyang batok si Sev na mabangong-mabango ngayon. I mean, mabango naman siya araw-araw pero iba ang kanyang dating ngayon. Sa sobrang bango niya ay ang sakit na niya sa ilong. Mukhang pabango ang kanyang ginamit sa pagligo. "Ano ba yan Sev, ang sakit mo sa ilong" reklamo ko habang papunta na kami sa court. Mabilis naman niyang inamoy ang sarili at napabusangot nang maamoy iyon. "Gagi, ang tapang pala ng amoy ng pabangong yun" naiiling niyang ani na ikinairap ni Earn. "Sus, ang sabihin mo gusto mong lang pumorma roon sa babaeng kasama ni Raven kahapon" walang hinto-hintong ani ni Earn at pinalobo pa ang pisngi pagkatapos. Nanlalaki ko naman siyang tiningnan bago bumaling sa daan. "Sino nga yun?Si Len?" taka kong tanong "Lien hindi len. Lilien ang pangalan" pagtatama ni Sev na siyang ikinangisi ko. Namula naman siya nang makita ang reaksiyon ko at nauna pang maglakad papuntang court. Nakabusangot naman ang isa pa naming kasama habang tamad na naglalakad kasabay ko. "Magandang hapon sa inyong lahat. Maraming salamat at nagpunta kayo sa meeting at pa-activity na ito kahit na medyo masama ang panahon kaninang umaga" nakangiting bungad nung Lilien sa amin. Pasimple ko namang siniko si Sev na siniko rin ako pabalik nang makita si Felix na tumayo at nagtungo sa tabi ni Lilien. "Ngayon ay magkakaroon tayo ng ibat-ibang aktibidad upang malaman natin kung anong kanya-kanyang sports ang nababagay sa inyo" nakangiting ani ni Felix na aming ikinatango lahat. "Pasensiya na rin at Sabado natin ito naschedule, nirequest din kasi ng School dahil kakailanganin na natin ng Athletes para sa darating na Intrams" dagdag ni Lilien. Pagkatapos noon ay kanya-kanya kaming iginrupo base sa Grade Levels. Maingay ngunit maayos ang naging daloy ng paga-arrange. Agaw pansin sa lahat ang kakarating lang na si Raven. May iilang lalaki na biglang umayos ng tayo at nagiging bida-bida pa ang ilan sa pagtatawag ng kanilang nga kagrade level. Hindi naman mapigilan ng ilang babae na mapatili kapag nakikita siya. "Grabe ang lakas talaga ng dating ng babaeng yan. Pati babae nadadala e" bulong ni Sevi habang nakatingin kay Raven na kausap ang Club President na si Lilien. "Baka naman pati ang baby ko madala sa charms niyan" nakanguso niyang ani at tumitig kay Lilien nang puno ng pag-asa. Napailing na lamang ako habang tinitingnan siya. Pagkatapos ng maikling pagpapaliwanag ay agad kaming nagsimula. Nagbihis kami ng mas komportableng kasuotan gaya ng tshirt at jogging pants. Malaki ang Court kaya hinati nila ang mga member na may iba't-ibang grade sa dalawang malalaking grupo. Volleyball ang una naming lalaruin. Ang Grade 7, 8 at 9 ay nasa kaliwang bahagi ng court habang kaming Grade 12, 11 at 10 ay nasa kaliwa. "Hala sayang,hindi sila Raven ang magtuturo sa'tin" rinig kong ani ng iilang Junior High nang mapansing lumapit si Raven sa grupo namin. "Miss President! Pwede po bang si Ate Raven ang magturo sa'min?" tanong ng isang pandak na sa hula ko ay nasa Grade-7 pa lamang. "O sige kung yan ang gusto niyo" nakangiting ani ng mabait na Club President na ikihiyaw ng mga Juniors. Tinapik naman ni Lilien Si Raven bago ito nagtungo sa kabilang pwesto. Lumapit ito kay Felix ay may sinabi bago tumango ang lalaki. Lumapit ito sa pwesto namin kaya napatayo ako nang tuwid. "Hi, I'm Felix. Sino sa inyo ang marunong na magvolleyball?" nakangiting ani ng lalaki at napatingin pa sa akin kaya agad nag-init ang aking pisngi. Umiwas ako at tumingin na lamang sa halos lahat ng kagrupo na nagtaas ng kamay. Tanging kaming tatlo nila Sev at Earn at iilang members lang ang hindi nagtaas ng kamay. Ang mga marunong na ay binigyan ng bola by pair habang naiwan naman kaming hindi. "Kevin, hindi ka marunong? Ano nga ulit ang sport mo?" tanong ni Felix nang makalapit sa akin. Agad namang gumapang ang kakaibang kaba sa katawan ko habang papalapit siya. "U-uh dati nagba-basketball ako kaso tumigil rin" nahihiya kong ani. Naramdaman ko naman ang mahinang pagkurot ng katabi ko kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti si Felix sa amin at iginaya kami papunta sa gitna. "Basketball?Nice. Pero mas maganda pa'ring sumubok ng bago kaya halika'yo at tuturuan ko kayo ng mga basic lang sa volleyball" masaya niyang tugon. Nahihiya man ay sumunod kaming tatlo sa kanya. "Ayusin mo ang paghawak sa bola" "Focus,ayusin at iready ang tamang position sa pagre-receive" Buong maghapon ay tinuturuan lamang kami magserve, receive at kakaonting pag-spike at pag-set. "Kev, mali ang paghawak mo sa bola" suway ni Felix nang makita akong sinusubukang makapag-serve ng maayos. Lumapit siya sa akin at iginaya ang aking kamay sa tamang lebel. Halos kapusin naman ako sa hangin nang mapagtantong sobrang lapit namin sa isa't-isa. Bahagya rin akong namula nang maramdaman ang kanyang mga palad sa kamay ko. "Yan, ganyan Kev, sige itry mo" anito na ikinabalik ko sa wisyo. Agad akong tumingin sa net at buong lakas na pinalipad ang bola. Muntik na itong hindi pumasok sa net dahil sa pagkakasayad ngunit napangiti rin ako nang kahit papaano ay nakapasok rin. "Good job" ani ni Felix at tumalikod. Napatingin naman sa kanya bago sa mga kaibigang kong hirap na hirap sa pag-e ensayo. "So Ready na ba ang lahat? Warm-up palang yun at ngayon ay tutungo na tayo sa Main Activity." panimula ng Club President. "Ang dalawang grupo ay maglalaban-laban. Don't worry this is just a friendly match, though kailangan din ninyong galingan dahil dito na rin namin pipiliin ang mga qualified players para sa Volleyball ngayonf Intrams" mahabang dagdag nito. "Syempre may premyo ito kaya mag-enjoy kayo okay?" nakangiting panapos nito. Agad kaming nagtipun at bumuo ng isang malaking bilog. Pinili ni Felix ang magiging first-six ng aming grupo at syempre hindi kami kasali roon... Pumito si Lilien at nagsimula na ang laro. Nagtungo sa gitna ang magagaling at halos matagal na sa Club. Kasali rin si Felix na naglalaro para sa grupo namin. Isang malakas na spike ang kanyang pinakawalan at halos tu-mumbling ang tumanggap na player noon sa kabila,Grade-8 ito sa pagkakaalam ko ngunit magaling na din maglaro. Naghiyawan kami dahil roon. "Gagi ang galing!" masayang ni Earn na parang hindi nakasimangot kanina. Enjoy na enjoy na siya ngayon. Agad namang inalalayan ng kanilang kagrupo sa kabila ang player na bumagsak. Nagpasensiya naman si Felix roon.Nakakatuwa lang at napaka-sports lang ng mga members. Walang gitgitan. Umingay naman ang mga juniors nang mag-sub si Raven para sa grupo nila. Gaya ng usual nitong ekspresiyon ay seryoso lang ito at pawang walang gana. Napaismid ako roon. Kung titingnan mo kasi ang postura niya parang naligaw lang siya roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD