CHAPTER 11

1590 Words
Kevin "Kaloka, kurutin mo nga ako. Feel ko nananaginip lang ako" bulong ni Earn habang seryosong nakatitig sa babaeng halos wala namang pakialam sa amin na kumakain sa harapan. Recess namin at napagdesisyonan naming dumiretso sa Canteen. After receiving our orders ay bigla nalang lumapit si Raven sa amin at sumabay. Hindi naman ako makatanggi dahil ano pa ba ang magagawa ko? This woman really has her own way on getting what she wants! Hindi ko akalaing maiinis ako sa isang babae nang ganito katindi. Palihim ko na lamang na inikot ang aking mga mata at nagpatuloy sa pagkain. Si Sev naman ay halos maging isang robot na sa sobrang ayos at limitado ng galaw. Pasulyap-sulyap ito kay Raven sabay iwas sa tuwing nahuhuli siya nitong nakatingin. "M-mabuti naman at naisipan mong sumabay sa amin ngayon Raven" ilang niyang ani nang mapagtantong sobrang tahimik ng mesa namin. Tumango lang ang babae kaya hilaw siyang tumawa. Batid kong may gusto pa siyang sabihin ngunit mas minabuti lang nito na manahimik. Pilit naman akong ngumiti nang bumaling ang mga kulay tsokolateng mata ng babae sa akin. "Kumain ka pa" malamig niyang ani at inusog ang iilang pagkain sa harap ko. Napaubo naman ang aking mga katabi nang marinig iyon. Sobrang daming tsokolate at iba't-ibang pagkain ang dinadala ng babaeng 'to. Pakiramdam ko tuloy ay gusto niya akong patayin sa diabetes o di kaya ay pinapataba niya ako upang katayin. "Andami naman niyan Raven, baka magka-diabetes itong kaibigan namin ha" hindi napigilang ani ni Sev kaya gulat ko siyang siniko. "I don't know what he wants kaya binili ko nalang lahat, you can get some if you want" balewalang sambit nito na ikinagulat muli namin. Akala namin magagalit. Agad namang kumislap ang mata ng isa sa mga kasama ko sabay kuha ng dalawang piraso ng tsokolate. "Ito nalang akin,paborito ko 'to e" excited na ani ni Sev at hindi napigilang mahawakan ang kamay ni Raven. Nagmamakaawang pumayag ang may-ari. Mabilis naman itong tumango at umiwas. Ramdam namin ang biglaang pagpitlag ng babae kaya mabilis din naman siyang lumayo. "Ay hehe, pasensiya na" nahihiyang ani ni Sev sabay lamon ng chocolates.Halos mapuno ang kanyang bibig sa sonbrang laki ng pirasong kinain niya. Napatingin naman ako kay Raven na seryosong napayuko. Hindi ko alam kung anong nangyari ngunit biglang lumungkot ang mga mata niya. "Raven!" napabaling naman kami nang may tumawag sa kasama.Halos mapasinghap pa si Earn nang makitang si Felix iyon. Mabilis itong lumapit sabay halik sa pisngi ng babae. Sabay-sabay naman kaming napaiwas doon. Palihim na rin akong umirap sabay tikhim.May ibinulong siya kay Raven na mabilis din nitong ikinatango. "Tara na Raven,please?" ani ni Felix at nagpacute pa sa mismong harap namin. Hindi ko naman maintidihan ang sarili ko. Dati-rati sa tuwing nakikita ko siyang ganoon ay kumakabog nang malakas ang dibdib ko. Ngayon, imbes na kilig ay nakaramdam ako ng somewhat..inis? "Ay nga pala Raven,ito palang kaibigan namin, gustong magpaturo ng gitara.Nahihirapan ito kanina e" biglang ani ni Sev na ikinalaki ng mga mata ko. Sasagot na sana ako nang umangal si Felix. "Pero Raven---" "I have to go, I'll just drive you later so wait for me" iyon lamang ang sinabi niya sa akin bago umalis kasama si Felix. Halos hindi naman malunok ni Sev ang kanyang kinakain nang balingan ko siya. Nanlulumo siyang tumingin sa akin bago bumaling kay Earn. "Ay wow, may ganun. Akala ko ba ikaw ang boyfriend? Ba't sumasama sa iba?" maarte nitong ani na ikinangiti ko nang mapait. Napatingin naman ako sa likod ng dalawa na papalayo na nang Canteen. Alam na alam kong nasasaktan na naman ako sa tuwing magkasama sila. Knowing na may gusto ako kay Felix, naiinis na naman ako sa babaeng iyon. Akala ko ba sinabi niya sa Mama niyang ako yung boyfriend?! Pero isang bulong lang ng lalaking iyon, naiwan agad ako. "Hoy Kev, yung manok mo nagkakalasog-lasog na!" tarantang ani ni Sev kaya napatingin ako sa pagkain ko. Sa sobrang inis ay inimagine ko nalang na si Raven iyon. Nakakainis. Buong maghapon ay mabigat at hindi maganda ang naging mood ko. Ni-hindi ko na nakita pa ang babaeng yun sa meeting namin sa Sports Club. Iritado tuloy ako habang naglalaro kami ng Volleyball. "Kev! Chill ka lang!" natatawang ani ni Lilien nang mahampas ko nang napakalakas ang bola. Sa lakas noon ay diretso itong na-out. Natauhan naman ako dahil don. Kamot batok akong nagpasub at umupo katabi ng mga kaibigan. "Hoy! Ano kaba huwag kang masyadong mag-overthink, baka may importante lang na School Work na ginawa yung dalawa" ani ni Sev na mas lalong ikinainit ng ulo ko. "Importanteng School Work? tss ni hindi nga magkaklase ang dalawang yun. Kaklase natin si Raven!" inis kong usal na ikinangisi niya. "Well, well, well,first time mo ata magselos nang ganyan kaibigan" nangungutya niyang ani kaya halos sumabog ako sa inis. Napatayo naman ako at padabog na kinuha ang tubig. "Kev, seryoso? Hindi ba't ikaw ang nagpapalit at hindi ang pinagpapalit? What happen?" pairap na ani ni Earn na ikinabagsak ng mukha ko. Imbes na pagaanin ang loob ko ay patuloy pa sila sa pagsulsol sa akin. Andaming pang-aasar kaya nang magsiuwian ay halos hindi ko sila pinansin. Pinagtawanan naman ako ng dalawa bago mag-sorry at nagpaalam umalis. Inis akong nag-abang ng taxi dahil bakit naman ako maghihintay sa babaeng yun? Edi magsama nalang sila tutal bagay naman sila! Halos mapako ako sa aking kinatatayuan nang makita ang sasakyan ni Raven na paparating. Sakto ring may Taxi na huminto sa harapan ko. Mabilis ko itong pinara at agad na sumakay. Nakita ko ang paghinto nang kotse bago sumunod sa taxi na sinasakyan ko. Kabado man sa magiging reaksiyon ni Raven ay mas pinili kong tatagan ang aking loob. Hello? Ako 'to si Kevin, madami namang naghahabol sa akin kaya bakit ako magpapagamit sa spoiled na babaeng iyon. "Manong bayad" saad ko bago bumaba sa tapat nang aming gate. Gulat kong tiningnan ang magarang sasakyan ng bruha na nakasunod pa'rin sa amin. Dali-dali akong pumunta sa gate ngunit sa bilis niyang bumaba ay naabutan pa'rin niya ako at marahas na hinigit. "What's wrong with you? I told you to wait for me!" inis niyang ani at sapilitan akong pinaharap sa akin. Taas kilay ko namang sinalubong ang kanyang galit na galit na mga mata. "Obvious ba? Ayokong sumabay sayo" malamig kong ani. Napapikit naman siya sabay hawi sa kanyang itim na itim na buhok. Nakawolf-cut siya kaya hindi pantay-pantay ang naging haba ng buhok. "Ano na namang kaartehan 'to?" seryoso niyang tanong na ikinasalubong ng mga kilay kom "Hindi ako nag-iinarte!" giit ko ngunit sarkastisko niya lamang akong ningisian. "Oh really? Ang arte mong bakla ka, I came back early para mahatid ka yet hindi mo man lang ako hinintay!" bulyaw niya. "And don't even lie to me! Alam kong nakita mo ang kotse ko pero pumara ka pa'rin ng taxi" dagdag niya na ikinatiklop ng mga bibig ko. "E-edi sana hindi ka nalang umuwi nang maaga. Magsama nalang kayo ni Felix tutal bagay naman kayo!" mapait ko ring bulyaw. Wala na akong pakialam kung sobrang ingay na namin sa gilid ng kalsada ng subdivision dahil talagang inis na inis pa'rin ako sa babaeng 'to. Malalim siyang bumuntong hininga bago diretsong tumingin sa akin. Napaiwas naman ako. "Nagseselos kaba?" diretso niyang tanong. Nag-init naman ang aking pisngi bago sumagot. "H-hindi no! Atsaka huwag kang masyadong mag-isip ng kung ano-ano! Wala akong gusto sayo!"taranta kong ani na ikinasingkit ng mga mata niya. Nagdududa siyang lumapit sa akin bago inilapit ang kanyang mukha. "Really? Bakit ganyan ka kung umasta ngayon? Tell me the truth Kevin Escarial, Are you jealous?" tanong niya muli kaya halos maging kamatis na ang mukha ko sa sobrang pula. "Oo--hindi!" Halos mabuwal ako sa kinatatayuan nang mapagtanto ang naging sagot ko. Ngumisi siya bago ako hilahin nang mas papalapit. "You don't have to, narinig mo naman siguro nang mabuti ang sinabi ko noong Sabado. You're my boyfriend " malumanay niyang bulong sa aking tenga na ikinanindig ng balahibo ko. "Ikaw lang ang boyfriend ko" dagdag niya na halos ikinanginig ng aking kalamnan. Idagdag mo pa na sobrang lapit na niya sakin ngayon at naamoy ko na ang kanyang pambabaeng pabango. Ilang minuto lang ay naramdaman ko ang malambot niyang labi sa pisngi ko. Nanlalaki ko soyang tiningnan at wala sa sariling napahawak sa aking kaliwang pisngi. "I-i" halos hindi ako makapagsalita dahil sa naging kilos niya. Mahina siyang natawa bago bumalik sa kanyang kotse. "Let's get inside, I'll you some chords" nakangisi niyang ani at naunang pumasok sa gate. Sinalubong naman kami ni Mama na gulat na gulat nang makita ang kasama ko. Taranta itong nagpaluto ng dagdag na ulam para sa dinner. "Mabuti nalang at nakabisita kay Hija" kinikilig na ani ni Mama habang nilalapag ang inihandang juice at snack sa maliit na mesa ng sala. "Yes, I came here to teach Kevin some chords.May performance po kasi kami next Friday" magalang na sagot ni Raven. "Oh speaking of Friday, bukas Hija may celebration kami sa isang beach para sa pagkapromote ko, you should come with us since holiday naman bukas" excited na ani Mama. Agad namang kinuha ni Raven ang cellphone sa bulsa at tiningnan ang kanyang schedule. "Ma, baka busy si Raven" saad ko ngunit umiling ang babae. "I have nothing to do tomorrow so sure, I'll come po" ani nito na halos ikinatili ni Mama. "Okay, I'll look forward on that. Salamat Raven!" masaya nitong ani. Makahulugan naman itong tumingin sa akin bago kami iniwan sa sala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD