Kevin.
"Diyan nalang ako" nakangiti kong ani sa kanya nang makarating kami sa may waiting shed ilang metro mula sa gate.
"Bakit?" kunot-noo niyang ani habang ginigilid ang sasakyan.
"Wala, ayoko lang maissue sa'yo no" maarte kong ani. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob na mag-inarte pero napangisi nalang ako habang pinagmamasdan ang inis na inis niyang mukha.Masungit naman siyang tumingin sa akin.
"Should I remind you that you're my boyfriend?"inis niyang ani. Napailing naman ako roon bago mabilis na lumabas.
"Oo alam ko,h-hindi pa ako handa ngayon pero s-siguro sa susunod nalang natin sabihin sa iba" nauutal kong ani. Umirap naman siya sabay baling sa akin habang nakataas ang kanang kilay.
"Stop being hard to get, hindi ka naman kagwapuhan" matabang niyang ani bago pinaharurot ang kotse. Naiwan naman akong nakanganga at halos ma-inhale lahat ng mga alikabok sa daan. Napaubo ako dahil roon.
Gigil kong tiningnan ang likuran ng kanyang kotse.
"Pasalamat ka maganda ka!" sigaw ko ngunit agad ring tinakpan ang bibig nang mapagtantong nasa labas ako. Luminga ako sa paligid at buti nalang at walang masyadong tao.
Simpleng discussion lang ang ginawa ng aming guro sa dalawang subject sa umaga bago kami maagang pinakawalan. May scheduled meeting ang Music Club ngayong hapon kaya maaga kaming nagtungo sa Music Room kung saan naroroon ang Headquarters ng Music Club.
Halos puno ng estudyante ang malawak na Classroom na siyang ikinaingay ng lugar. Doon lamang tumahimik nang magsalit ang Club President.
"Guys,please minimize your voice thank you. Good afternoon, I am Leon your Music Club President " seryosong saad ng isa ring Grade-12 ABM student na President.
"As you can see, kahit malawak ang Headquarters ay masikip pa'rin ito para sa ating lahat kaya kayo ay hahatiin ko by Grade level. May kanya-kanyang lokasyon ang bawat grado para maging maayos ang usad ng ating activities" pagpapaliwanag nito kaya agad umingay ang bulungan ng mga members.
"So, May napili akong Leader para sa kanya-kanyang Grade level." dagdag nito at agad nagtungo sa harap ang anim na mga Grade-Level leaders. Halos mapairap ako nang makitang si Raven ang leader namin.
Halimaw ata ang babaeng yan.Andaming alam, magaling na nga sa sports pati ba naman dito?
"Dahil sobrang raming members ng Music Club ngayon ay mapipilitan kaming magbawas. Ang unang task ninyo ay pag-aralan ang iba't-ibang instruments at magtanghal ng isang group performance. One member should play atleast one musical instrument" saad muli ng President.
Halos sabay na mapasamid naman kaming tatlo roon. Ni-isang instrument ay wala kaming alam.
"Naku, mukhang kailangan nating galingan? Baka mabalik tayo sa Dance Club kapag binawas tayo rito" bulong ni Earn na seryoso naming tinanguan ni Sev.
"Never again" ganadong ani ni Sev na ikinairap ni Earn bago humalakhak.
"Wow ganado" komento ko naman nang makita kung gaano kaseryoso ang mukha niya. Agad naman siyang nanlambot at napakapit sa'kin.
"Andito rin kasi si Lilien, hindi pwedeng matanggal ako rito" kabado niyang ani bago ako hinila papunta sa grupo ng mga Grade-12.
Halos dalawampu kaming mga Grde-12 na original na sumali sa Music Club. May anim na nagback-out dahil bukod sa hindi marunong tumugtog, ay kinuha na rin ng ibang club dahil short sa members ang ilan.
Labing-apat na lamang kaming nakalinya. Nasa unahan si Raven na kausap si Lilien. Isa-isa naman kaming pinapili ng instrument.
Pinili ko ang acoustic na gitara. Wala kasi akong ibang matipuhan atsaka dati palang ay gusto ko nang matuto nito. Hindi nga lang ako tuluyang natuto dahil sa pagkainip at kawalan ko ng oras na mag-practice dahil sa school works.
Si Earn ay nasa piano habang si Sev ay nasa drums. Andun kasi ang crush niyang si Lilien. Napapailing tuloy ako nang mapansing magkausap silang dalawa. May kinukwento si Lilien tungkol sa experience niya sa da-drums para sa isang gurpo noon habang parang timang na tumatango lamang ang kaibigan ko.
Sabay-sabay kaming nagtungo sa gym kung saan naka-assign ang grupo namin. Hinati mula kaming mga Grade-12 sa dalawa upang mapunan ang dalawang category ng performance - isang love song at isang sad song ang kailangang iperform ng bawat grupo.
"Okay na tayo sa sub-units ngayon ay sisiguraduhin muna na'ting marunong ang bawat sa membro sa pagtugtog ng napili nilang instruments" ani ni Raven atsaka kinuha ang kanyang gitara.
Halos manigas naman ako sa kinauupuan nang tumabi siya sa akin. Makahulugang tumingin sa akin ang mga kaibigan ko at iilan na'ring members ng grupo.
Si Raven ang magtuturo sa amin mag-gitara! Napatingin naman ako sa iba. Dalawa lamang sila Sev at Lilien sa drums habang si Loraine naman na kasama rin namin sa Sports Club ay ang nagtuturo sa mga magpa-piano.
Napabaling ako sa harap nang magsalita si Raven. Ipinaliwanag niya ang iba't-ibang chords habang mariing nakikinig ang mga kasama ko sa kanyan. Halos mapatulala ako habang tiningnan ang masungit na babae na ekspertong nagpapaliwanag sa harapan.
"Escarial nakikinig ka ba?" masungit niyang tanong na aking ikinapitlag. Ni-hindi ko namalayang nakatingin na pala siya sa pwesto ko.
Napahinto ang iilang kagrupo namin at napatingin sa akin kaya mabilis akong tumango. Lintik na bruha 'to!
"Good, now focus, ayusin mo ang paghawak niyang gitara mo" utos niya na agad kong tinalima. Mabilis na nag-umpisa ang kanyang pagtuturo.
"C major"
"A major"
"Escarial, mali. Ulit" ani niya na ikinanganga ko. Sa halos kalahating oras naming nag-e ensayo rito ay ako lang palagi ang napapansing nagkakamali ng nakaka-stress na babaeng 'to.
"A major" sambit niyang muli at mariing tumingin sa'kin kaya agad kong inalala ang cord na iyon ngunit hindi na ako sigurado kung tama ba ang ginawa ko.
Nagkasalubong naman ang kilay niya nang makita ang ginawa ko. Hindi nakaligtas sa akin ang pag-ikot ng kanyang mga mata bago lumapit sa akin.
"Dito at hindi diyan" seryoso niyang ani at iginaya ang mga daliri sa strings. Halos pawisan naman ako nang mapagtanto kung gaano siya kalapit sa akin.
Amoy na amoy ko ang kanyang pabango na halos ikinapikit ko. Sa sobrang pagkadistract ko roon ay hindi ko ma-absorb agad ang tinuturo niya kaya paulit-ulit din akong nagkakamali at paulit-ulit siya sa pagpapaliwanag.
"Umayos ka or else, ihahampas ko sa'yo yang gitara mo" nawawalan ng pasensiya niyang bulong sa aking tenga nang magkamali akong muli na ikinatindig ng mga balahibo ko.
"O-okay" nauutal at takot kong tugon na kanyang ikinangisi.
"Good,now let's start from the very beginning.. A major..C major.. D major.. "
Dahil sa kanyang pagbabanta ay takot na takot ako sa bawat paggalaw ng aking mga daliri. Iniiwasan kong magkamali at baka tuluyan na nga akong mahampas ng gitara nang wala sa oras.
" Uhm R-raven gusto ko rin matutong mag-gitara" masiglang ani ni Loraine nang makalapit sa aming pwesto. Tumingin naman si Raven sa kanya bago sa grupo nila Earn na tinuturuan nito. Bumulong ito sa babae na agad ikinatango ni Loraine.
Bumalik ito sa kanilang pwesto ngunit bago pa man ito makarating sa pwesto nila ay isang matalim na tingin ang ipinukol nito sa akin.
Wala sa sarili akong napalunok nang makitang nakabusangot ang kanyang mukha. Ano na naman kayang sinabi ng bruhang Raven na yun at ganoon nalang ang naging reaksiyon sa'kin?
"F major" ani nito muli kaya mabilis kong itinuon ang aking atensiyon sa gitara.
"That's all for today, take time to practice your instruments at magkakaroon tayo ng evaluation ngayong friday para sa magiging performance next week" seryosong bilin ni Raven bago kami pakawalan.
Halos makahinga naman ako nang maluwag nang sa wakas ay natapos na rin kami. Hindi ko pa gamay masyado ang mga chords pero may natutunan naman ako hindi nga lang kasing-runong sa mga kasabayan ko.
Nakakainis naman kasi at bakit si Raven pa talaga ang magtuturo sa'min.
Pagod akong umupo sa mga nakahilerang upuan. Itinabi ko ang gitara sa aking gilid at pagod na sumandal sa sandalan ng upuan. Drain na drain ang beauty ko ngayon.
Napatingin naman ako kay Earn na pagod ring papalapit sa pwesto ko. May dala siyang tubig na ininguso ko.
"Painom nga" ani ko ngunit agad niya itong nilagok na ikinairap ko. Ang damot.
"Uhaw na uhaw ako 'te, kaya maglakad ka sa Canteen at bumili" ani niya.
Parang hindi kaibigan.
"Ayoko, pagod ako atsaka anlayo layo nun" pagmamaktol ko at napapadyak pa nang tuluyan na nga niyang inubos yung bote ng tubig bago ngumisi sa akin. Walangya.
"Here" napabaling ako sa kakalapit na si Raven nang may inilahad itong tumbler. Halos mapamaang ang katabi ko habang tinitingnan ang babaeng nasa harap ko ngayon.
Napakurap ako habang tinitingnan siya. Ni-hindi ako nakagalaw kaya sa inis niya ay siya na ang nagbukas noon bago itinutok sa nakaawang kong bibig.
Nanginginig ko naman itong kinuha bago uminom. Umalis din naman siya agad kaya agad akong inusisa ng baklang katabi.
"Hoy gagi, ano yun?" malisosyo niyang saad na ikinainit ng pisngi ko.
"Yuck, ambakla mo" maarte niyang bulong kaya mabilis ko siyang siniko at tinulak palayo. Halos nahulog naman siya sa kanyang upuan na ikinahalakhak ko. Sinamaan niya ako nang tingin bago nakapameywang na humarap sa akin.
"Sagutin mo nga ako? Kayo na ba ni Raven?" seryoso niyang ani kaya napalapit si Sev sa amin.Napawi naman ang tawa ko roon at maamong tumingin sa kanya. Napatingin ako kay Raven na matalim akong tinitingnan.
Dahan-dahan akong tumango na ikinatili ng bakla. Nag-iinarte na naman siyang mahihimatay ngunut hindi siya sinalo ni Sev kaya bumagsak ang kanyang pwet sa semento.
"Aray, Seev! Dapat sinalo mo'ko!" inis niyang saad habang hinihimas iyon.
"Ayoko, si Lilien lang sasaluhin ko" angal ng lalaki kaya halos umusok ang ilong ni Earn.