CHAPTER 9

1567 Words
Kevin. Saglit akong natauhan nang sikohin ako ni Ate. Napatingin ako sa kanya at sabay sabay kaming yumuko at bumati. Napangiti naman ang Mama ni Raven sa'min. "Ah Mrs. Mercèdez mga anak ko nga pala, si Kevianne, Vianne at Kevin" magiliw na pakilala ni Mama. Napatingin naman si Mrs. Mercèdez sa akin na ikinalunok ko. Pagkaraa'y ngumiti siya muki at nagpakilala. "Nice to meet you, I'm Ravena and this is my daughter Raven" pagbati niya. Hindi kailanman bumati si Raven kahit na tiningnan siya ng Mama niya. Mahina naman itong natawa bago sila iginaya ni Mama papunta sa Dining Area. Puno ng papuri at magpapasalamat ang naging usapan sa hapunan. Tahimik lamang kami at tanging ang mga matatanda lamang ang nag-uusap at nagtatawanan. Paminsan-minsan ay napapatingin ako kay Raven na seryoso lamang sa pagkain. Batid kong galit siya sa akin kanina. Alam kaya niya na ako ang nagpakalat ng picture? Sana naman hindi.. "So,maiba ako Vina. I think our kids has something to tell us" nakangiting ani ng Mama ni Raven at tumingin sa'kin. Lito ring napatingin sina Mama na ikinakunot ng noo ko. "P-po?" nahihiya kong ani. Ngumisi naman ang ginang at tumingin sa anak. "As you can see, my daughter told me about your relationship earlier. Huwag ka ng mahiya hijo at hindi naman ako magagalit" natatawang ani nito na ikinanganga ko. Napatingin ako kay Raven na tinaasan lang ako ng kilay. "I-I.." hindi ako makapagsalita lalo na't nanunumbat na tumingin sa akin si Mama. "Your son and I are in a relationship." mabilis at tuwirang ani ni Raven na ikinalaki ng mga mata ko. Napaubo naman si Mama at tarantang uminom ng tubig. Pinagpawisan rin ako nang marinig iyon. What the f?! Ni hindi ko alam kung kailan kami naging magjowa ng babaeng 'to. Napatingin ako kay Mrs. Mercèdez na nakatingin rin pala sa akin. "It's okay hijo, it's quite relieving though, atleast kilala ko ang pamilya ng first boyfriend ng anak ko" saad niya kaya muntik ko nang mabuga ang tubig na nasa bibig ko. Nahihiya namang tumawa si Papa sa gilid at pinagaan ang atmospera. "Gaano na naman kayo katagak hija?" ilang na tanong ni Papa. "Days pa po" magalang nitong ani na ikinasinghap ng Ate Vianne ko. "Oh, so ikaw pala yung sinabay ni Kevin noong Friday?" nakangising ani niya at tumingin sa akin.Simple namang tumango ang babae na ikinalawak ng ngiti ng Mama niya. "Thank you so much for that hijo, though Raven has her own car collection, hindi ko pa'rin alam kung bakit nagco-commute ito pauwi minsan" pagkukwento ng Boss ni Mama. Halos hindi ko naman malunok ang aking kinakain nang marinig iyon. May Car Collection ang anak niya? And she even said it like it's normal. Masyado tuloy akong nanliit. Pagak namang natawa si Mama at may tinanong sa ginang about their work. Laking pasasalamat ko ay naging maayos din naman ulit ang kanilang usapan at hindi na nabaling muli sa amin. Pagkatapos ay dinner ay agad akong tumayo.Tumayo rin si Raven kaya napatingin silang lahat sa amin. Ngumisi si Papa kaya halos mapaikot ko ang aking mga mata. "Excuse us" malamig na tugon nito kila Mama at mabilis akong hinila palabas. Napunta kami sa maliit na hardin ng rosas ni Mama sa likod. Taas kilay ko siyang tiningnan habang nakapameywang. Bahala na kung baklang-bakla ako sa itsura kong ganoon pero gusto ko talagang tarayan ang babaeng ito. "At kailan pa kita naging girlfriend?" masungit kong tanong. Handa na akong sumbatan siya ngunit mistulan naman akong kandila na naupos nang makita ang galit na galit niyang mga mata. "Look who's talking, alam mo bang muntik na akong ipabalik sa US dahil sayo?!" galit niyang ani at gigil akong kwinelyuhan. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ang kanyang nakayukom na kamao. "Waaa sorry na 'te, hindi ko sinasadya!" takot kong ani at napapikit habang hinihintay ang kanyang kamao na sumuntok sa mukha ko. Ilang segundo pa ay wala namang nangyari kaya kabado akong napadilat. Nakita ko siyang pinipigilan ang sarili. Marahas niyang binitawan ang kwelyo ko at mariing pumikit. Hindi ko man gaano kakila ang babaeng ito, alam ko na kayang-kaya niya akong bugbugin. She's definitely not a straight diba? I mean, sinong babae ang ganito kalakas manghatak ng kwelyo?! " E-e ikaw nga pinagkalat mo na bakla ako!" giit ko habang kinakabahang inayos ang kwelyo. "What do you think of me? I'm not childish like you!" sumbat niya na ikinanguso ko. "So..hindi ikaw ang nagpakalat non?" mahina kong tanong na agad ding natutop sa kinatatayuan nang matalim niya akong tiningnan. "No" mas kalmado niyang ani na siyang ikinakonsensiya ko. Hindi ako kumbisdo ngunit wala naman din kasi akong ebidensiya na siya nga. "I-ikaw? Bakit sa'kin ka galit? Ako ba nagpakalat nung picture? Mag ebedensiya kaba ha?" tapang tapangan kong giit na mas ikinadilim ng mukha niya. Napabuntong hininga tuloy ako bago itaas ang dalawang kamay. "Okay fine, ako na!" pagsuko ko at nagmamakaawang tumingin sa kanya. "S-sorry" mahina kong ani. Tumingin naman siya sa akin bago umirap. "Make it up to me, nakumbinsi ko si Mama nang sabihin kong may boyfriend ako and that's you idiot. You'll be my boyfriend until I say so" naiiling niyang ani at naglakad na pabalik. "Wait! Hanggang kailan naman?" tanong ko sa kanya. " I said until I say so! Ang slow " inis niyang ani at inis na pumasok. Napasinghap naman ako bago sumunod. So it means hindi sila ni Felix? Hindi ko alam pero ansaya saya ko nang mapagtanto iyon. Halos mapatalon pa ako na para bang hindi ako nanginig sa takot kanina. Naabutan kong nagpapaalam na sina Raven kila Mama.Lumapit ako sa pwesto nila at tumabi kay Ate. "Oh Raven,hindi ka ba magpapaalam sa boyfriend mo?" tanong ng Mama niya na ikinamula ko. Napairap naman ang babae bago tumingin sa Mama niya. "Tapos na" malamig niyang ani. Napasimangot naman ang Mama niya at napatingin kay Mama. "Haha, LQ ata sila" nahihiyang ani ni Papa na ikinahalakhak ng Mama ni Raven. Masaya silang umalis habang naiwan naman kami sa sala. Nakahinga nang maluwag si Mama nang makitang nakalabas na ng gate ang sasakyan ng Boss. Mabilis naman itong lumapit sa akin at mahina akong hinampas. "Ikaw talagang bata ka! Bakit hindi mo sinabing shota mo yung anak ng Boss ko?!" hysterical niyang ani na ikinatawa ni Papa sa gilid. Syempre hindi ko naman alam na kami pala! Gusto ko itong sinumbat ngunit paniguradong patay ako kay Raven. "Ma,hindi naman kasi niya sinabing anak siya ng Boss mo" mahinahon kong ani. Tinapik naman ni Papa ang balikat ko bago nagsalita. "Grabe, matinik talaga itong anak ko"natatawa niyang ani na ningisian ko lang. Napairap naman sina Ate bago natawa. Maayos na nagtapos ang gabi namin. Yun nga lang ay panay tanong nila tungkol sa anak ng Boss ni Mama. Kesyo bakit daw ako nagustuhan e ampangit ko?! Kahit kailan talaga at walang kasupport-support ang mga ate ko. Parang hindi pamilya! Nakabusangot naman ako habang papaakyat sa hagdan. Nakasunod parin ang dalawa kong kapatid habang patuloy akong tinutukso. "Bakit kaya mukhang galit gf mo? Omg don't tell me nainis siya sa issue mo sa school?" pasinghap na ani ni Ate Vianne. Hinampas naman siya ni Ate Kevianne. "Hay naku, huwag naman no. Atsaka patay ka talaga Kevin kapag sinaktan mo si Raven. Hindi ka lang mawawalan ng girlfriend, mawawalan pa ng trabaho si Mama" pananakot ni Ate Kev sa akin na ikinalunok ko. Halos mamutla ako nang makarating sa tapat ng pinto ng kwarto ko. Nauntog pa ako dingding sa sobrang pagkatulala. Rinig ko naman ang mahihinang tawa nila Ate. "Hoy Kev, nagbibiro lang kami. Relax" natatawang ani ni Ate Kev bago sila pumasok sa kanya-kanyang kwarto. Napahawak naman ako sa aking noo na nauntog. "Ouch" matabang kong ani at tuluyan na ngang pumasok. Kinaumagahan ay nanghihina akong bumangon dahil sa puyat. Mabagal ang aking naging kilos at tamad na bumaba sa kusina habang sukbit ang bag. "Ma, aalis na po ako" mahina kong ani. Napatingin naman siya sa akin bago binalik ang tingin sa niluluto. "Hindi ka magbe-breakfast? Anong nangyari sayo at matamlay ka?" nag-aalala niyang tanong bago inihain ang bagong lutong ulam. Umiling ako at dumampot ng dalawang sandwich sa mesa at mabilis na sinubo ang isa. "Ma, nasan si Papa?" tanong ko habang papalabas na ng bahay. "Nauna na, pupunta yung Batangas para kamustahin ang station natin doon" sagot niya na ikinatigil ko. "Ma? Pano ako? Magco-commute ako ngayon?" nagtataka kong ani. Napatingin ako sa malaking orasan sa bahay. Alas siete y media na.Baka matagalan ako sa pag-aantay kaya may posibilidad na ma-late ako. "Ha? Ay oo nga pala, anu kaba ba't ngayon kalang?! nasa labas na si Raven kanina pa. Sinusundo ka" biglang natauhan si Mama na ikinalaki ng mga mata ko. "Ma! Bakit hindi mo agad sinabi?" taranta kong ani at kumaripas ng takbo palabas. Naabutan ko naman ang isang kulay itim na sasakyan sa tapat ng gate. Napailing ako nang makita si Raven na nakasandal roon. Iritado niyang sinulyapan ang kanyang mamahaling relo kaya mabilis akong lumapit sa kinaroroonan niya. Isang matalim na tingin naman ang kanyang iginawad sa akin bago ako makasakay. Nang makapasok ay naabutan ko ang kanyang mukha na namumula, marahil dahil siguro sa inis. Umirap siya nang makitang nakatingin ako bago padabog na pinausad ang sasakyan. Wala sa sarili naman akong napakagat sa aking mga labi. Nakakatawa pala ito kapag galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD