Kevin.
Mataas na ang sikat ng araw ngunit halos wala akong gana na bumangon. Kung hindi lang ako pinasok ni Mama sa kwarto at binuksan at ang lahat ng kurtina ay hindi ako gagayak.
"What's wrong anak? May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ni Mama na agad ko ring inilingan bago nagtungo sa banyo.
Naligo ako bago tamad na nagbihis ng uniporme. Naabutan ko pa si Ate Kevianne na nakasandal sa may pintuan ng kwarto ko nang makalabas ako.
"May ugong ugong sa School niyo na bakla ka raw? Kaya ba ganyan ka katamlay ngayon?" taas kilay niyang tanong.
Napatingin naman ako sa kanya bago itinuon ang aking atensiyon sa pagsusuot ng aking sapatos.
"That was just a rumor,hindi iyon ang dahilan kung bakit ako ganito" pagsisinungaling ko.
I don't wamt to talk to her about it. Hindi madaling maniwala ang Ate Kevianne ko atsaka sumbongera din ang bruhang ito baka kung ano sabihin kina Papa.
"Weh? Then why are you sulking? Kahapon ka pa ha" kuryoso niyang pang-uusisa at inilapit pa sa mukha ko ang ipad niyang kitang-kita ang post na tinag sa kanya roon.
Inis naman akong umiwas bago sinamaan siya ng tingin.
"Pwede ba Ate, I'm just sad okay? Hindi ako gusto ng gusto ko and that's it. Hindi dahil diyan" inis kong ani na ikinamilog ng kanyang mga mata.
Napapahiyang umalis naman siya sa kwarto ko habang naiwan akong tulala. Okay, that just came out.
Ganun na ba talaga ako kalungkot at nasabi ko iyon? Ni-hindi ko inatupag ang rumors at mas nasaktan pa sa iniisip na baka magjowa na talaga si Felix at Raven.
Nang makapasok sa school ay halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa'kin. Well,in this school, gender isn't really a big deal. Nirerespeto halos ng lahat ang isang estudyante regardless sa kanyang kasarian. Though, medyo iba nga lang ang kaso ko. Playboy ako at halos lahat ng babaeng Senior High ay dinate ko. Tapos ngayon ay bigla na lamang may chismis na bakla ako? Syempre magugulat sila.
"Dude,okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Sev na simple kong tinanguan. Napahinga naman siya nang maluwag nang makaupo kami.
Tahimik at mas minabuti ko na lamang na balewalain ang mga usap-usapan kahit na harapang nagchichismis ang mga kaklase ko.
Pagdating ng lunch break ay mas pinili kong sa malawak na hardin na lamang ng school kumain kaysa sa Canteen. Dumiretso sila Earn roon at hindi ako sumama. Mas okay rito dahil sa mas sariwa at presko ang hangin. Wala pa gaanong estudyante.
"Ah Manang, Matagal niyo na po bang alaga si Ate Raven?" rinig kong tanong ng isang may kapandakang babae na may kaharap na matanda.
Naantig naman ang tenga ko nang marinig ang pangalan ng bruhildang iyon.
"Oo ineng, baby pa lamang siya ay ako na ang nag-aalaga sa kanya" nakangiting sagot ng matanda at inayos ang kanyang basket na dala. Ito siguro ang Aling Linda na nabanggit ni Felix.
"Wow, answerte niyo naman po" walang kahiya-hiyang ani ng isa sa mga bata at sabay silang naghagikhikan.
"Kayo talaga, gusto niyo ba ang Ate Raven niyo? E babae iyon mga ineng" kunot-noong tanong ng matanda.
"Pero Manang, normal na po iyon ngayon atsaka totoong nakakainlab naman po talaga si Ate" giit ng isa na sinang-ayunan nilang tatlo.
Napairap naman ako dahil doon. Ano ba kasing meron sa babaeng iyon at halos lahat- pati mga babae ay nagkakagusto sa kanya. Dahil ba magaling siya mag-volleyball? Malinis at maganda ang sulat niya? Mabango siya? Mayaman siya? Madami siyang kotse?
Patagal nang patagal ay mas nanliliit ako sa babaeng yun. Maganda,Mayaman, Matalino at higit sa lahat Magaling sa lahat ng bagay.
Nasa kanya niya ang apat na M's. Nakaka-insecure!
"Hay naku mga Ineng, huwag kayong masyadong magpadala dahil ayaw na ayaw ng Mama niya na may umaaligid sa kanyang mga babae. Tiyak na madidileryo yun sa gulat at lungkot kapag nalamang tomboy ang nag-iisang anak niya" naiiling na ani ng matanda na ikinanguso ng mga babae.
Napangisi naman ako sa narinig. Umalis na rin ang mga batang babae at naiwan ang matanda. Nasa gilid lamang niya ako ngunit hindi niya ako nakikita dahil sa mga bulaklak na dinecorate na harang sa bawat mesa.
"Manang kanina pa po ba kayo?" rinig kong tanong ng isang babae. Sa hula ko ay si Raven iyon.
"Hindi pa naman gaano Nak, o siya ito na ang lunch mo. Huwag mo na itong kakalimutan ulit ha? At magugutom ka" halata sa boses ng matanda ang pag-aalala.
"Opo, Maraming Salamat Nang" tugon ng babae bago sila umalis. Sakto namang natapos na ako sa pagkain kaya nakasunod ako sa kanilang dalawa. Saglit akong tumigil nang mapalis ang shoelace ko.
Nakita ko silang naghiwalay sa hallway. Ang matanda ay diretso siguro sa parking lot habang si Raven ay pabalik na sa classroom. Bahagya akong tumakbo upang maabutan siya ngunit halos mapatili ako nang bonggang bongga nang maabutan siyang may kahalikang babae- ay well hindi pala sila naghahalikan.
May kumausap na babae sa kanya. Malapit na malapit sila kaya sa pwesto ko, ang anggulo ay para silang naghahalikan. Agad namang pumasok sa aking isipan ang sinabi ng matanda kanina.
'Ayaw na ayaw ng Mama niya na may umaaligid sa kanyang mga babae. Tiyak na madidileryo yun sa gulat at lungkot kapag nalamang tomboy ang nag-iisang anak niya'
Wala sa sariling kinuha ko ang aking cellphone at pinicturan ang dalawa. Sa anggulo ko ay aakalain mo talagang naghahalikan sila kahit na nag-uusap lang.
Mabilis akong nagtago sa likod ng isang calssroom matapos iyon. Napangisi ako nang makita ang litratong aking nakuha.
"Akala mo ikaw lang ha" gigil kong ani at gumawa ng dummy account bago sinend ang litrato sa page ng school.
Tingnan natin kung ako lang ba ang magkakaroon ng issue sa school. Ngayon ay panatag na ako. Kung malaman man ni Papa na bakla ako, malalaman din ng Mama niya na tomboy siya.
Dahil doon ay sumigla bigla ang aking mood. Nagtaka pa ang dalawa nang makabalik ako sa classroom.
"Nabaliw na kaibigan na'tin"rinig kong bulong ni Earn at naiiling na natawa. Kinahapunan pagkatapos ng klase ay agad kong kinuha ang aking cellphone sa bulsa. Gaya ng inaasahan, isang post tungkol sa litratong nakuha ko ang hot topic ngayong araw.
Maaga akong kinuha ng driver ni Mama dahil may bisita raw. Nakangisi lamang ako habang binabasa ang mga comments. Maraming nagulat,nalungkot, nasiyahan at naiinis.
Naiinis hindi kay Raven kundi sa babaeng kahalikan niya 'kuno'. Napairap naman ako nang mapansing halos masaya ang lahat ng babae sa comment section. Masaya dahil nalaman nilang kahit papaano ay may pag-asang magkagusto si Raven sa katulad nilang mga babae.
Dumiretso ako sa aking kwarto at doon pinagpatuloy ang pagbabasa ng mga komento.
"Anak! Naku magbihis kana" tarantang ani ni Mama nang maabutan akong nakahilata sa aking kama.
Kanina pa siya balisa habang naghahanda ang mga kasambahay sa baba. May pa-dinner kami dahil sa pagkaka-promote ni Mama bilang Head Architect sa pinagtatrabahuan niyang isang prestihiyosong Firm. May celebration kami with our relatives at iilang kaibigan ni Mama pero next week pa iyon. Inimbitahan raw muna niya ang kanyang Boss sa isang dinner at gulat rin siya nang pumayag ito.
Kaya ito, hindi magkanda-ugaga si Mama sa pagsisiguro na maayos ang lahat. Agad akong tumayo at nagtungo sa closet ko. Nakita ko si Mama roon na may inihandang pormal na kauotan. Napaikot na lamang ang mga mata ko nang makita kung paano niya sinuri ang damit.
"Magbihis kana" seryoso niyang ani bago lumabas at nagtungo sa kwarto nila Ate. Napailing nalang ako at sinuot ang damit.
Eksaktong ala sais ay pinababa na kaming lahat ni Mama. Napatingin naman ako sa mga suot ng mga Ate at Papa na halos magkakulay lang. Mahina nalang kaming natawa habang pinagmamasdan si Mama na tarantang inaayos ang kanyang buhok.
"Ma, Relax" ani ni Ate ngunit hindi ito alintana ni Mama. Lalo na't sinabi ng isa sa aming mga kasambahay na nakarating na ang boss niya. Magkasamang lumabas si Mama at Papa. Kami namang tatlo ay sabay na napasilip sa labas.
Isang mamahalin na sasakyan ang aming nakita na siyang sabay naming ikinasinghap. Iniluwa nito ang matangkad at maputing babae. Kulay kayumanggi ang kanyang buhok at nakapormal na kasuotan. Batang-bata rin ang itsura nito, hindi halata sa sinabi ni Mama na forty na ito. Napatakip naman ako ng aking bibig nang makita ang mata ng babae. Bigla kong naalala si Raven na may kaparehong mata. Dumoble naman ang aking kaba.
Possible kayang Nanay niya to? Napailing ako.Balita ko Alonzo ang apelyido ng may-ari ng firm na pinagtatrabahuan ni Mama.
Binati nila Mama at Papa ang babae na ikinangiti nito. Mabuti naman at marunong siya ngumiti dahil talagang nakaka-intimidate ang resting face niya!
Halos manlumo naman ako nang may makita sa kanyang likod. Nakapormal rin ito. Red sleeveless top na pinatungan ng itim na blazer. Nakaslacks na itim at heels na kulay pula rin.
Yumukod ito at bumati kila Mama. Halos hindi naman ako mapakali nang makitang papasok na sila ng bahay. Bukas ang pinto at sabay silang pumasok ng bahay. Agad nagtagpo ang aming mga mata siyang ikinapako ko sa mismong kinatatayuan.
Nanuyo ang aking lamunan nang makasalubong ang kanyang malamig at galit na mga mata.
"R-raven"