Matamang tinitingnan ni Blue si Luis na nakatingin din sa kanya. Nakatayo si Luis malapit sa bintana habang nasa harapan naman niya si Blue. Sumilay ang ngiti sa labi ni Luis. “Pumasok ka na,” wika ni Luis. “Magiging okay lang ako dito sa bahay kaya huwag ka nang mag-alala pa,” dagdag pa niyang saad. “Sigurado ka ba?” naninigurong tanong ni Blue. Nakataas pa ng bahagya ang kilay niya. Marahang tumango-tango si Luis. “Oo,” sagot ni Luis. “Hindi na masakit itong paa ko,” wika pa niya. “Tingnan mo, nakakatalon na nga ako, eh,” sabi pa niya saka bahagyang tumalon-talon. “Huwag mo ngang gawin ‘yan!” mariing sermon kaagad ni Blue kay Luis. Pinaningkitan niya ng mata ang kasintahan. Tumigil si Luis sa pagtalon-talon at ngumiti. “Sige na at umalis ka na,” pantataboy ni Luis kay Blue. “Sho

