Nasa hapag-kainan sila Luis at Blue. Nasa tapat nila ang mga magulang ni Luis na sina Rissa at Louie. Sa kanang bahagi ang pwesto ng mga inuupuan nila Luis at Blue habang sa kaliwa naman ang mga magulang ni Luis. Nakahain sa mesang nasa gitna nila ang mga pagkaing pinagtulungang lutuin nila Luis at Rissa. Afritadang manok ang main dish. May pritong tilapia ding nakahain. Isang bandehado ang mainit at umuusok pa na kanin na nasa mesa at isang pitsel ng pineapple juice. Nakaayos na din sa mesa ang mga gagamitin nila sa pagkain. Tahimik na kumakain ang apat. Tanging ang mga kubyertos lamang na hawak nila at tumatama sa plato ang siyang maririnig. Napapatingin si Blue kay Luis na panaka-naka din siyang tinitingnan. Ngingiti si Blue at susuklian naman iyon ni Luis. Napapangiti naman habang

