Tuluyan nang nag-resign at umalis si Kit sa trabaho kaya naman si Blue na muna ang bantay sa cashier ng kanyang shop habang wala pa siyang nakukuha na papalit dito. Tinitingnan ni Blue si Philipp na may ina-assist na customer. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Nababanaag ni Blue kay Philipp ang lungkot dahil sa pag-alis ni Kit pero ginagawa pa rin nito ng mabuti ang trabaho. Naalis ang tingin ni Blue kay Philipp at nalipat sa screen ng kanyang laptop. Napabuntong-hininga siya ng malalim. “Kailangan ko nang gumawa ng job offer poster,” wika ni Blue sa hangin. Hindi pa siya nakakagawa nito at wala pa din siyang post online. Marahang tumango-tango si Blue. Nagsimula na siyang gumawa ng job offer poster at magpo-post na rin siya online. --- Malapit na ang graduation kaya naman halos aba

