Huminga nang malalim si Hyde matapos niyang mabasa ang text message sa kanya ng mama niya. Kita sa mukha ni Hyde ang pagkadismaya dahil iyon din ang nararamdaman niya. I’m sorry, Son. Kailangan na kasi naming umalis ng papa mo para makahabol sa flight namin papuntang US. Hindi naman namin pwedeng ipagpaliban ang pagpunta namin doon. Naglagay na ako sa account mo ng pera para mabili mo kung anuman ang gusto mo. Congratulations again. Tinitigan ni Hyde ang salamin na nasa harapan niya. Nasa loob siya ng banyo at mag-isa lamang doon. Nakikita sa mga mata ni Hyde ang lungkot. “Hindi man lang nila ibinigay ang buong araw na ito para sa akin,” mahinang sambit ni Hyde. “Hanggang sa pagkakataong ito, binigo nila ako.” Muling napabuntong-hininga nang malalim si Hyde. Nakatitig pa din siya sa sa

