Dahan-dahang inalis sa kanyang likod at inihiga ni Hyde ang estrangherong lalaki sa malaking kama. Nasa loob na sila ng hotel room. Matapos maihiga ni Hyde ang lalaki ay tumayo siya ng tuwid sa gilid ng kama at nag-inat-inat. Inikot-ikot pa niya ang kanyang ulo para maalis ang pangangalay na nararamdaman. Sobra siyang nabigatan at nahirapan sa pagbuhat sa lalaki. Nang okay na ang pakiramdam ni Hyde ay mataman niyang tiningnan ang lalaki na hindi man lang niya inayos sa pagkakahiga sa kama. Halatang lasing na lasing ang lalaki. Pulang-pula ang balat nito at kahit na medyo malayo si Hyde, naaamoy pa din niya ang amoy nang ininom nitong alak. Umiling-iling ang ulo ni Hyde. “Iinom-inom tapos kapag nalasing magpapahirap ng ibang tao,” bulong ni Hyde. Muli na naman siyang nainis. “Dapat kapa

