Magkasama sina Jared at Mark. Magkatapat silang nakaupo at inookupa nila ang isang mesa na nasa labas ng isang convenience store. Nakapatong sa mesa ang dalawang lata ng beer na parehas nilang iniinom. Matapos nilang pumasok sa trabaho ay napag-usapan nilang magkita sila. “Hay! Nakakainis talaga sila. Simple instructions lang ay hindi pa nila magawa,” inis na inis na wika ni Mark. Nagra-rant siya tungkol sa nangyayari sa trabaho niya. “Nasasabon tuloy ako ng nasa itaas ng dahil sa kanila. Kainis talaga! Konti na lang talaga at magre-resign na ako, eh.” Patuloy lamang sa pagra-rant si Mark. Si Jared naman, tulala lamang na nakatingin sa kawalan at malalim ang iniisip. “At ang mas nakakainis-” huminto sa pagsasalita si Mark. Lumukot ang noo niya nang tingnan niya si Jared. Napansin niyang

