Nakaupo si Hyde sa kanyang gaming chair habang nakatingin sa screen ng kanyang tablet na nakapatong sa kanyang study table at nakalagay sa isang tablet holder. Hawak ni Hyde ang kanyang gitara na binili niya noon sa store ni Blue. Nanunuod si Hyde ng video tutorial online. Bawat steps sa paglikha ng guitar basic chords sa pinapanuod niya ay kinakabisado ng kanyang utak. Sumilay ang ngiti sa labi ni Hyde. Inihinto muna niya ang panunuod ng video at pinause ito. Pagkatapos ay saka na niya ina-apply ang napanuod niya. Nag-umpisang tumugtog ng gitara si Hyde. Una niyang ginawa ay ang C major. Paulit-ulit niya iyong tinugtog. Matapos niyang tugtugin ang C major ay sumunod ang A major, G major, E major at D major. Mas lalong napangiti si Hyde. Medyo nakukuha na niya ang panimulang pagtugtog.

