Nakaupo sa mataas na upuan si Hyde. Hawak niya ang kanyang gitara at nakapatong ito sa kanyang mga hita. Tiningnan ni Hyde si Blue at Philipp na mataman namang nakatingin sa kanya habang nakaupo ang mga ito sa tig-isang upuan. Naka-dekwatro sa pagkakaupo si Blue habang nakabuka naman ang mga hita at binti ni Philipp na upo ng isang lalaki. Kabado si Hyde ngayong nasa harapan siya nila Blue at Philipp. Pakiramdam niya, magkakamali siya sa gagawin niya kaya naman pilit niyang ikinakalma ang kanyang sarili. Hindi dapat siya magkamali sa pagkakataong ito dahil ito ang magiging susi para makapasok siya sa store ni Blue at makita ang binata araw-araw. Huminga nang malalim si Hyde. Lumunok din siya ng tatlong beses. Pinilit nitong ngumiti. Kinalma niya ang sarili. “Pwede ka nang magsimula,” w

