EPISODE 15 (2)

1785 Words

Bumalik kami sa bakanteng lote kung saan niya ako dinala noon. Nakaparada sa hindi kalayuan ang kanyang motor. Naka-indian sit ako nang upo sa damuhan habang si Blue ay nakahiga, nakaunan ang magkabilang braso sa kanyang ulo at nakatingin sa kulay kahel ng kalangitan. Wala talaga itong pakiealam kung madumihan ang uniporme niyang suot. "Anong gagawin mo ngayon?" pagtatanong sa akin ni Blue. Bahagyang kumunot ang noo ko. Tiningnan ko si Blue. "Gagawin?" nagtatakang tanong ko. Tumingin si Blue sa akin. "Sa ex mo na nagbabalik." Hay! Binanggit pa niya. Ngayon pa lang naiinis na ako, paano pa sa mga susunod na araw? “May dapat ba akong gawin?” tanong ko. “Bakit? Wala ka bang naiisip na dapat gawin?” balik-tanong niya. Mahinang napabuga ako ng hininga. "Siguro… iiwasan ko siya,” sagot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD